French toast for breakfast, anyone?

Ayon sa research, ang breakfast daw ang pinaka-importanteng meal sa lahat. Tumutulong daw ito upang maging masigla at alerto tayo sa buong maghapon. Iilan lang siguro ang nakakaalam sa atin ‘nun dahil kadalasa’y lumiliban pa rin tayo sa pagsu-supply ng pagkain sa ating sikmura sa umaga at enerhiya sa katawan para sa buong maghapon.

Eh pano kasi, wala ka namang daratnan na agahan paggising mo sa umaga.

Male-late na kasi ako eh. Kape lang solb na ‘ko.

Busog pa ‘ko.

Ok fine. Kung iyan ang mga palusot mo, sige lang. Concern lang naman ako sa health mo. Ganyan din kasi ako noon, pero kalauna’y napag-aralan ko na rin alalahanin ang aking sikmura. Sabi nga, kung nakasanayan mong may laman ang tiyan mo sa umaga ay hahanap-hanapin mo na rin ‘yun. At dahil breakfast ang naisip kong topic ng blog ko ngayon, gusto ko na rin i-share sa inyo ang isang simpleng recipe para sa isang simpleng agahan. Nakakasawa rin kasi kung paulit-ulit na tinapay na papalamanan mo ng itlog o peanut butter ang almusal mo. Wala ng variation. Pwede rin ang sinangag na bahaw pero ubos oras din ‘yun. Kaya ito na ang simpleng variation ng iyong agahang tinapay.

Simple French Toast Recipe

Ingredients

2 itlog

1/2 cups fresh milk

butter

4 hiwang pan amerikano (pwede na rin ang pandesal :))

Paraan ng paggawa

*Beat the eggs in a large bowl and add milk [pwede kang maglagay ng kaunting asukal base na rin sa iyong panlasa]. Sa katamtamang apoy lang, magtunaw ng butter sa isang kawali [kung sosyal ka naman, ok din ang teflon pan].

*edited due to unavoidable circumstances

Ilubog ang mga tinapay sa mixture; siguraduhin na well-coated ang magkabilang sides. Pagkatapos ay i-drain. Ilipat sa mainit na kawali at lutuin hanggang maging slightly brown. Baligtarin at lutuin ang kabilang parte. I-serve habang mainit pa kasama ang syrup. Maaari mo ring lagyan ng powdered sugar or cinnamon.

At eto na ang finish product! Dyaraaannnn!

O di ba? Ang simpleng gawin. Hindi mo na kailangan mag-exert ng so much effort. Abot kaya pa ng bulsa. Kung may budget ka naman, pwede kang gumamit ng low-fat milk at wholemeal bread katulad ng ginamit ko sa pictures sa itaas. Busog ka na, sigurado ka pang healthy ang breakfast mo.

Tara, kain na!πŸ™‚

3 responses

  1. ay, gusto ko din yan. kaso ang mga kasama ko dito sa bahay type lang nila with butter,

    butter or syrup… panalo pa rin sa sarap kengkay. hi-hi-hi! yum… yum…

    February 20, 2009 at 11:41 PM

  2. uuummmm…”batilin”…ahehehe…pero wala yan sa dictionary…ahehehe…”kanawin”, pwede kaso hindi tugma…basta kainan na lng…ahahaha…πŸ™‚

    ayan inde na ako mukhang patotoy…latest pic na yung nilagay ko…πŸ˜€

    kinarir mo talaga ang paghahanap sa tagalog dictionary ha. di na nakuntento… teka nga at ma-edit na lang ‘yun. wahaha!

    di naman ako ang nagsabing mukha kang patotoy ah… pero cge bistahan ko ‘yung pic mo. baka nag-mature na…πŸ˜€

    February 19, 2009 at 1:45 PM

  3. wow! yum yum…pano ba ito diet ako eh….ahahaha…parang ginagawa ko ito ah… :)…pero kung ako lang…kape lang sa umaga solve na..πŸ˜‰

    teka saglit, “batihin” ba talaga yun…may naiisip kasi ako…wag na mahalay….πŸ˜›

    ito talagang si superg o… mag-almusal ka nga muna! cge isipan mo ko ng matinong tagalog ng “beat”… go!!!

    hehehe

    February 18, 2009 at 10:06 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s