Pikchur… pikchur II

Eto na ang sequel ng aking photoblog na “Pikchur…pikchur”. Nabanggit ko ba sa inyo na mahilig din ako sa nature? Kahit naman siguro sino ay maiinlab sa ganda ng ating kalikasan at para sa akin, hindi sapat na pagmasdan mo lang sila. Mas masarap kung naidokumento mo rin ang isinabog na biyaya ng nasa Itaas upang maibahagi mo naman sa iba. Kumpletong-kumpleto ang pakiramdam.

img_15481 kaibigang langgam img_1581 img_1615 img_1644 kamias

Ito ay ilan sa mga kuha ko noong dumalo ako sa isang Garden Festival na taunang ginagawa dito sa Singapore. Na-amaze ako sa mga landscapes na tunay na mga halaman ang ginamit at itinanghal sa isang air-conditioned hall para mapanatili ang freshness ng mga ito up to 3 days. I was awed by what I witnessed that day.🙂 Muntik na nga akong di makapag-picture.

img_3667a img_3750a img_3673 img_3815b img_3803b

Ang ganda ng kalikasan ay simbulo ng bagong pag-asa sa ating buhay. Sa bawat pagsibol ng bagong tanim na buto, ang kapalit ay isang pag-asa na mabubuhay itong malago at mayabong. Sa buhay, marami ang daraan na pagsubok na hindi mo inaaasahan. Mga pagbabago na biglaang darating na kailangan mong harapin. Hindi ka man sigurado na magiging maganda o mayabong ang resulta ng iyong pagsisikap, pero dapat huwag ka pa rin mawalan ng pag-asa na makukuha mo rin ang bagay na iyong inaasam… gaano man kahirap ang iyong pagdaraanang proseso.

Ang blog na ito ay handog ko sa mga tulad kong kasalukuyang naguguluhan at naghahanap ng katahimikan sa magulong mundo ng buhay.

3 responses

  1. hang gaganda namna ng mga floweresssation ahihihi.
    may angking glow ung mga photos..
    para silang may mga sariling buhay base sa pagkakakuha mo..

    ahihi! tenchu yanah🙂

    February 17, 2009 at 7:13 PM

  2. natuwa ako nag makita ako ang bagong title ng post mo… pero na-frustrate ako ng makita ko ito… nasaan na ang mga chicks…ahhahaha…juks…

    pero magaganda ang mga flowers na ito…sana mabigyan ko man lang ang Grasya nito, si Ms. Praktikal kasi un…mas gusto nya ang bagay na may halaga kasya bagay na maganda….siguro dun na lng kami sa fruits…😀

    SUPERG!!!! hahaha! oo nga pala may pangako nga pala ako. sh*t nakalimutan ko na dahil sa pagiging emo ko the past days. cge… cge… intay ka lang😀

    February 17, 2009 at 6:27 PM

  3. Magandang larawan ng kalikasan. Nakakaliw ! Nakakagaan ng pakiramdam.

    Swerte ng mga bulaklak at prutas na iyan, naka erkon pa, sosyal!

    May pagkakahawig ang buhay sa buto. tama nga! Kung ano kasi ang itinanim yun ang aanihin.

    Napangiti mo ako.

    salamat naman kung napangiti kita. ganyan din reaksyon ko noong makita ko ang mga ‘yan bago ko pa kodakan. i feel so close to nature… hehehe🙂

    p.s.
    pano nga pala kung cross-bred ang puno, ganun pa rin kaya ang aanihin? panggulo lang… hehehe.

    February 17, 2009 at 4:57 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s