I’ve Been Tagged!

Mood: Chaotic but surviving… in the midst of darkness, thanks for being around folks:)

Sa tinagal-tagal ng pag-istambay at paggagala ko dito sa blogosphere ay ngayon pa lang ako nakatanggap ng award. Sa totoo lang, muntik na akong maiyak [oha! totoots ‘yun. teary-eyed pa nga ako hanggang ngayon]. At bakit naman hindi?! Ang tag kasi ay galing pa sa unang blogger na natagpuan ko dito, ang unang nagpahanga sa ‘kin, si Aling Baby. Akala ko kasi ay nananatiling tahimik ang mundo ko sa kanya but it looks like I have also caught her attention. Salamat naman kung gayon🙂

Eto ang rule ng tag na ito:

honest

When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link to said person so everyone knows he or she is real. Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harrassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog”. Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. List at least 10 honest things about yourself. Then pass it on!

10 Honest Things About ENJOY

[5 minutes idle…]

[After 30 minutes… wala pa rin akong maisulat]

[1 hour has passed… wala pa rin]

Natatawa na ‘ko sa sarili ko dahil hindi ko pa rin maumpisahan ang 10 honest things about me. Resulta siguro ito ng pagkahaba-haba kong introduction sa aking sarili kaya wala na akong maisip na bagay na hindi ko pa naishe-share sa inyo. Pasulyap-sulyap tuloy ako sa “about me” page ko. Pero sige, dahil sa isa itong prestigious award, hahalukayin ko na ang aking Pandora’s Box.

1. Nagkaroon ako ng identity crisis nung bata pa lang ako. Madalas akong mapaaway sa mga kalaro kong lalaki; madalas akong manapak at masapak. Dahil na rin siguro sa 2 kapatid na barako ang naging mga unang kalaro ko at ako pa ang panganay, natutunan kong maging siga. Grade 1 nang mapaaway ako sa isang kaklaseng lalake. Sinaksak ko siya ng lapis sa tagiliran.

2. Ligawin ako noong kabataan ako, di ko alam kung bakit dahil sa totoo lang hindi ako kagandahan sa sarili ko. Malakas lang talaga ang sex appeal ko [kasi siguro mukha akong p*kp*k]. 4th year nang una akong maka-bf. In-eksakto kong 1 week bago ko siya brineyk.

shotglass_and_cigarette_by_ulose2piranha1 3. Nasa college ako nang matuto akong manigarilyo. Mga 17 yata ako nun pero hindi ako naadik. Malakas ang self-control ko kaya pag sinabi kong hihinto na ‘ko, stop talaga. Sa ngayon, patikim-tikim na lang [1 taon ang interval]. 20 ako nung matutong uminom. Minsan inaabot ako ng umaga kasama ang grupo kong “UnderGround” sa inuman kasama si pareng Fundador at Vodka. Ngayon, 2 San Mig Light lang o isang shot ng tequilla, grogy na ko.

4. Mahilig akong gumawa ng paper dolls nung bata pa ‘ko; boy at girl na dolls. Tapos gagawa ako ng mga damit [tops, bottoms, swimwear]. Tapos… baby na paper doll. [Alangan naman hindi manganak!]

paper_doll___goodygoody paper_doll__jock

5. Bukod sa paper doll, nakahiligan ko din gumawa ng interpretive drawings nung hayskul pa ‘ko. Kahit anong kanta na isusulat ang lyrics sa illustration board tapos may background drawing ng sweet na lalake’t babae, o kaya dagat na maalon, o kaya ang Mt. Fuji…

6. I’m a hopeless romantic person. Madali akong mag-emote sa mga romantic movies. Kinikilig ako sa mga nagbibigay ng bulaklak sa mga gurlet nila pero pag ako na ang binigyan, nadidismaya at nakokornihan ako. Nung niregaluhan ako ng bf ko ng bulaklak, bigla ko siyang naging EX.

7. Hindi ako makatulog nang may unan sa ulo. Kipkip at dantay ko lang ‘yun. ‘Pag nagkumot, dapat nakalabas ang paa ko kahit pa maginaw. Naiinitan na ko ‘pag nakumutan pati hinlalaki ko sa paa.

sleeping-woman-0707-lg

8. I sleep on one side of the bed. Kapag right, right all throughout the night. Kapag left, as is. Basta kung ano posisyon ko nung matulog ko, pagkagising ganoon pa rin. Minsan lang ako magpalit ng puwesto. In short, di ako malikot katabi sa kama. Kaya siguro madalas akong maka-experience ng shoulder pain.

9. I have an extreme personality. Maingay, madaldal at makulit akong kasama. Ako ang karaniwang life of the party. Ayoko kasi ng may idle moments; pakiramdam ko laging may dumaraan na anghel na may lawit. Pero kapag nasa bahay na, sobrang tahimik naman ako. Hindi ako madalas magsalita unless may ikukuwento ako. Madalas tuloy akong mapanisan ng laway.

friends_forever10. Last but not least, isa akong totoong kaibigan. Dahil friendly ako, marami akong kaibigan at kakilala pero iilan lang ‘yung maituturing kong bestest friends ko. Kapag tinawag kitang “bitch“, “slut“, “wicked witch” at kung anu-ano pang masangsang na salita, ibig sabihin mahal kita at itinuturing kitang one of my trusted friends. You have my back and I’ll fight for you ’til the end. Oh ang saya di ba? I curse ’cause I care😆 At kung sino mang nilalang ang magsasalita s’yo nang ganun maliban sa akin… magtago na siya sa pinanggalingan niya. Dahil kapag nakita ko siya… siya naman ang “it”. Ahehe! Kidding aside, ipaglalaban talaga kita.

Yipee! Finally I’m through. Naisakatuparan ko rin ang aking misyon na palaganapin ang kasinungalingan honesty sa buong blogosphere. At dahil dito ay nais kong ipasa ang burden saya sa aking 7 mga kakosa at kasama sa pagkakape na sina [teka, aabot ba ng pito ang nasa blogroll ko? bilang… bilang… abot!] ka Eli, Dylan, SuperG, Mang Badoy, Kengkay, Yhen, at Kosa. Hindi ito sapilitan mga preng… ito ay kung may time ka lang at gusto mo rin naman patulan. Pero tinag ko na rin kayo malaman niyo na talaga namang isa kayo sa mga nagpapaganda na aking araw [admin note: ang totoo, unti lang kasi kayong nasa blogroll niya kaya ala na rin siyang choice kungdi i-tag kyo]. Ayun! Tama bang pati admin ay ilaglag ako?! Amfness!

O siya… hayaan ko na sa inyong mga kamay ang kapalaran ng award na ito. Walang kopyahan!🙂

11 responses

  1. teentoinks

    Hi enjoy… BULAGA! Nakita ko rin ang bahay mo… di ka kasi nag iwan ng link nun last na dalaw mo sa bahay ko! Ganda ng bahay mo! ahihihihi

    ***
    1. Ay… may nasapak din ako nuon Grade 6 naman ako kaya lang isa lang tas nag sumbong sa lola ko! ahihihi
    4. Nahilig din ako gumawa ng paper dolls, kaya lang ang fanget ng gawa ko!
    6. APIR!
    7. Noon, ganyan din ako magkumot, kaya lang tinatakot ako na may kakalabit daw sa paa ko! Basta noon, gusto ko lang yung nahahanginan ung paa ko. Pero di na ngayon.
    10. Wooww… ang saya naman!

    Un lang po… hinihingal pa! hehehe!

    uhm, at parang gumanti ka dahil di ka rin nag-iwan ng link mo ngayon. hehehe! hahanapin rin kita, akala mo ha. ;))
    4. ok lang na fanget ang paper doll. ‘yung unang gawa ko nga mukhang monster eh. naiyak na lang ako. hahaha!
    7. naiisip ko rin minsan ‘yun. pero naisip ko rin na pag di ako nakatulog dahil kinalabit niya, sisipain ko siya. jowk! [baka nga mamayang gabi may kumalabit sa kin :lol:]

    salamat sa pagdaan mo at sana nag-iwan ka nga ng link… hehehe🙂

    February 17, 2009 at 2:56 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s