Friday the 13th – Scary or Not?

friday-thirteenth-chHansama ng panaginip ko kagabi. Isang malakas na “haaahh!” ang nagpagising sa kin ngayong umaga kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Di ko kinaya ‘yung eksena na ‘yun kung saan biglang nabali ang braso ng isang lalaki habang walang kuwentang nagpapadulas sa escalator [may slide naman kasi bakit sa elevator pa nag-trip]. Lumigwak ang dugo mula sa mga braso niya… at kaharap ako… harap na harap… about 10 inches away… nang mangyari ang madugong eksena. Whew! Buti na lang nagising ako agad. Baka binangungot na ko kung nagtuloy pa ‘yun.

Pucha! Friday the 13th na nga pala. Ang panaginip ko ba ay bunga ng malikot kong imahinasyon about this frightful day? Kagabi kasi habang nagpapa-antok ako, binisita ko si Google gamit ang aking ever-reliable cellphone para i-search ang pinagmulan ng takot ng mga tao sa Friday the 13th. Lagpas alas-dose na ‘yun kaya Biernes na rin lumalabas. According sa nabasa ko, ang fear of Friday the 13th o paraskevidekatriaphobia ay base lamang sa mga folklore o alamat na nagpasalin-salin ng henerasyon na bunga ng mga matandang paniniwala na ang 13 ay isang malas na numero at ang Biernes ay malas na araw. Binase ang paniniwalang ito sa Last Supper kung saan kapag 13 daw ang nasa hapag kainan ay mamatay ang isa sa mga dudulog dito [di ba nga si Hudas ang ika-trese sa mga dumulog at si papa Jesus ang naging victim?]. Pati na rin ang pagko-connect sa failure ng Apollo 13 na nag-fly sa universe at bumalik sa earth na luhaan matapos ang isang electrical fault na nagpahinto sa kanilang makina. Isa pa ay ang pre-Christian Norse myth na nagsasabing si Frigg na goddess of love and sex ay madalas sumali sa coven o assembly of witches na binubuo ng eleven witches plus 1 devil = 13. Napakarami pang alamat ang nagsalin-salin sa bibig ng mga makakating dila na dahilan ngayon kung bakit marami ang nangingilag sa Friday the 13th. Kung iisa-isahin natin ay siguradong kikilabutan din tayo tapos ay sasabayan pa ng mga scary movies na ang konsepto ay pawang binase rin sa araw ng ‘to. Kung likas kang mapagpaniwala sa pamahiin, in short matatakutin eh baka di ka na talaga lalabas ngayon.

Hoy Enjoy! Wag kang maliligo ngayon. Biernes a-trese ngayon. Sige ka at babaho ka habambuhay…

‘Yan ang sabi ng lola ko [sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa] noong mga bata pa kami. Pero likas ang pagiging sutil curious ko bilang bata kaya di ko rin sinunod ‘yun. Kulang na lang ay hambalusin ako ng lola ko [sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa] ng malaman niyang naligo rin ako. Sa awa ng Diyos, di naman ako bumaho [maliban na lamang of course kung inabutan ako ng katamaran sa pagligo].

‘Wag kang lalabas ng bahay ngayon. Marami daw naaksidente kapag Friday the 13th…

Ito ay ang isa pang pamahiin na di ko makitaan ng rason. E pano kung may trabaho ka o kailangan mong bumili ng mantika sa palengke? Ang lagay ba ay papalipasin mo muna ang araw na ito bago mo gawin ang mga plano mo? At anong rason ang ibibigay mo sa boss mo pag nagkataon? “Sorry sir. I cannot come to work today because it’s Friday the 13th,” Huwaaattt?! Baka isang bonggang-bonggang HUNGHANG ang isigaw sa’yo pabalik ng amo mo. OK lang naman kung naniniwala ka sa pamahiin at kung iyon talaga ang iyong nakamulatan. Pero mas makakabuti siguro kung ilalagay mo rin sa lugar. Maaari kasing coincidence lang ang pagkamatay ng kuko mo sa araw na ito, o pagkaputol ng isang daliri mo dahil sa naiipit ng pinto ng taxi, o di kaya ang pagkabangga sa puno ng kotse-kotsehan ng kalaro mo. Pero let’s not blame every unlucky or horrible events that might happen today on Friday the 13th. After all, may magandang rason din ang araw na ito… like it’s the eve of Valentine’s Day! So kesa magmukmok ka sa bahay at magngatngat ng kuko sa takot, hoy lolo/lola! Lumabas ka ng bahay at bumili na ng panregalo sa dyowa. Malamang matikman mo bukas ang lupit ng Friday the 13th ‘pag nakalimot ka. Ahahaha!

Have a scary Friday the 13th and a full blast Valentine’s Day!🙂

4 responses

  1. You started with the scary friday the 13th and ended with a lovely valentines day… hehehe!! but i am more scared with valentines day than the friday the 13th.. hahaha!!!

    ahehe! sounds peculiar… sabagay, kanya-kanyang trip lang yan😀

    February 16, 2009 at 8:59 PM

  2. enjoy

    superG,

    takteng mga pamahiin yan…ahahaha… noon hindi ako naniniwala sa malas na friday the 13th…

    pero kaninang umaga…takte! inde ko mabuksan PC ko sa haus…malas ang aga-aga…pero hapi na ulit…sweldo eh…😀

    user error lang yun kninang umaga superg…. yung mga sumunod na pangyayari sau, yun ang epekto ng Friday the 13th… tumataginting na kaperahan. tama yan at may pang-date ka na… whoopee!

    ###########################################
    kosa,

    hahaha
    naaliw ako sa infong iyun ahhh
    buti nman nakakausap mo ng matino si pareng Google? minsan ko lang sya kausapin madaming epal masyado minsan eh.. andami nyang sinasabi..hehehe

    back to friday the 13th
    haaaay.. oo nga hindi rin ako naniniwala minsan.. pero ayus lang din.. nasa taong nagdadala pa rin siguro yun.. kung maas ka eh di malas ka.. anung kinalaman ni Byernes at ng numerong trese? haaaaaaay…
    […]

    uy kosa salamat din at napadpad ka dito. sa totoo lang, masyadong busy kausap si kosang Google pero hamo at bubulungan ko siya na i-prioritize ka. hehehe!

    hindi ko naman naramdaman ang kamalasan ko ngayong araw na ito. medyo depressing lang pero at least walang aksidenteng nangyari except lang sa blister ko sa paa. kabuset!😀

    salamat ulit sa pagbisita at sa uulitin🙂

    February 13, 2009 at 9:15 PM

  3. hahaha
    naaliw ako sa infong iyun ahhh
    buti nman nakakausap mo ng matino si pareng Google? minsan ko lang sya kausapin madaming epal masyado minsan eh.. andami nyang sinasabi..hehehe

    back to friday the 13th
    haaaay.. oo nga hindi rin ako naniniwala minsan.. pero ayus lang din.. nasa taong nagdadala pa rin siguro yun.. kung maas ka eh di malas ka.. anung kinalaman ni Byernes at ng numerong trese? haaaaaaay..

    nature na nga siguro yun!
    ang manisi ng manisi.
    puro sisi
    puro sisi..
    hehehe

    ************************************************************

    hehehe.. pertaym ko dito.. salamat po sa pagdaan sa aking blog.. minsan lang din ako maging emo.. as in minsan minsan lang…hehehe

    kitakits

    February 13, 2009 at 3:37 PM

  4. takteng mga pamahiin yan…ahahaha… noon hindi ako naniniwala sa malas na friday the 13th…

    pero kaninang umaga…takte! inde ko mabuksan PC ko sa haus…malas ang aga-aga…pero hapi na ulit…sweldo eh…😀

    February 13, 2009 at 1:28 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s