Pikchur…pikchur I

Wala itong kinalaman sa Valentine’s day pero malaki ang kinalaman nito sa buhay ko kaya hayaan ninyong i-share ko naman sa inyo.

Dito ko ginugol ang ilang mga boring days ko dito sa Singapore pati na rin sa mga panandaliang pagbisita sa Pinas. Ito ang aking part-time libangan, photography. Bakit part-time? Una ay dahil sa wala naman talaga akong alam sa mga settings pagdating sa pagkuha ng piktsur. Medyo may katamaran ako sa pag-intindi ‘nun [aperture, focal point, shutter speed, etc…] pero may kaunti na rin namang nalalaman. Ikalawa, wala akong tiyagang sumama sa mga photoshoots nga mga kachokaran ko dito. Bukod sa malalayo ang lugar, hindi rin keri ng powers ko ang tiyaga nila sa paglalakad ng malayo, lalo na ‘pag katindihan ang sikat ng araw. At ikatlo, walang binatbat ang lens kong 18mm-55mm sa hi-tech lens nila. ‘Yung tipo bang kailangan ko pang lumapit sa subject ko para lang makunan ng focus, at bago ko pa mapindot ang shutter eh naglaho na agad sa paningin ko [kumpara sa zoom at micro lens nila :(]. Nevertheless, I’m still happy with my Canon EOS 400D. Di naman ako propesyunal kaya lab ko na ‘to. Sa lens lang naman talaga nagkakatalo.

img_0208

Eto ang peborit ko ‘pag siyesta time… homemade mocha & twisted biscuits. tsalap!🙂

img_0578

Holy Week 2008

img_06241may pangarap ang batang ito… in ferness!

summer ng mga paslit 2008summer 2008

Felipe Massa in his Ferraripinilit kong ma-capture ito gamit ang lens na hiniram ko sa isang

fwend nung day 3 ng F1 night race dito sa SG. felipe massa sakay ng kanyang ferrari. ang lupit ni fafa!

skid marksganyan katindi ang mga skid marks sa F1

putra mosqueshempre pa, papahuli ba ang putra mosque ng malaysia sa pagpukaw

ng aking pansin?

Ilan lang muna ang mga ito sa mga napag-interesan ng aking pansin. Marami pa kong mga kuha na ishe-share sa inyo next time. Mind you, di man sing-galing ng mga kakosa ko ang mga shots ko, masasabi ko naman  na pwede ko na rin ipagmalaki. O di ba ang taray? Hehehe… Masarap maging libangan ang potograpiya pero tulad nga ng sabi ko, isa itong maluhong libangan. Kung gusto mong i-improve ang mga shots mo, dapat ay i-level up mo rin ang iyong mga gadgets pati na ang iyong bulsa. Plano ko na sanang gawin ‘yung pag-level up ng lens, kaya lang di pa kaya ng aking bulsa ang makipagsabayan kaya dapat makuntento na muna ako dito. He-he-he! Baka gusto niyo kong pahiramin ng pambili… jowk!😀

10 responses

  1. AC

    yung batang may dahon sa ulo naaalala ko sa kanya si Anne Curtis aka Dyosa. hahaha! joooke!😀

    February 24, 2009 at 1:22 PM

  2. AC

    oks na yang lens mo. isipin mo na lang kapag naka-55-200 ka dba muka ka naman engot nun kukuha ka kunwari ng close up pero kelangan mo lumayo ng konti sa subject mo kase pati pores nya kitang-kita na ng lens mo. wahahhaa. ayan pampalubag loob ha. hehe.😀

    naka-18-55 lang din ako. kase yung kitlens ng gusto ko na cam talaga e 18-135.. kaso wala na stocks talaga nung gusto ko. saklap saklap. hehehe.

    actually, ok na talaga ito sa ‘kin. kasi ito pa lang ngawit na leeg ko dagdagan pa ng mas mabigat na lens. diosme! baka nakuba na ko dun… nyahaha! [sourgraping :D]

    saka di tamad ako lumabas dito sa Singapore kaya di na ko humihiling pa ng mas matinding lens😆

    February 24, 2009 at 1:22 PM

  3. nakarating ka sa san pedro cutud? ang galing! andami lagi dung mga photographers during holy week.

    may suggestion ako sa home-made mocha mo. add one teaspoon of peanut butter per cup during boiling yung mixture tapos haluin mong mabuti. parang tsokolateng batirol ang resulta!ü

    ah eh… sa kalye lang ‘yan ng tundo bro. utoy kung saan ako lumaki.😀 marami ganyan dun sa min pag holy week. pati na ‘yung pasan-krus na umabot na sa 3rd generation. meron din street senaculo play… mukhang mami-miss ko yata ‘yun this year😦

    February 15, 2009 at 8:43 PM

  4. hay, holy week sa pinas, sa kalye namin daming duguan parati na mga ganyan

    isa yan sa mga nakaka-miss sa pinas lalo na ‘pag nasa ibang bayan ka na…🙂

    February 15, 2009 at 4:08 AM

  5. Ang galing mo, ang ganda ng mga picture mo… gusto ko ring matutu ng pechur pechur…. minsan kasi pag ako ang magshoot, nahahati ang mga subjects.. hahahaha!!

    salamat naman po sa papuri. feeling ko tuloy propesyunal na dating ko. hahaha! pero tenk yu talga. i think lahat naman may “eye for photography”. hindi mo pa lang siguro nare-realize ‘yun. start ka muna sa mga simple objects. pero as i said, kung gusto mo talaga na maganda outcome ng pekchur mo… dapat i-level up mo rin yung gadget mo🙂

    February 12, 2009 at 4:06 PM

  6. wow nice shots….

    grabe astig!

    pang higher level ka po pala! idol!

    hi yhen! hindi naman “higher level”. nagkataon lang sigurong maganda yun camera ko. hahaha! pero honestly, thanks sa compliment. pag nakita mo siguro mga shots ng friendly-friends ko, baka mapatunganga ka tulad ko🙂

    btw, you also have a potential. keep it up!

    February 12, 2009 at 3:56 PM

  7. sali ka na sa litratongpinoy.com para maging isang estudyanteng phographer na blogger..🙂 ayos ang world tri[ mo, dami mo na din napuntahan ah..🙂

    kung napuntahan, medyo marami na rin pero kailan lang ako nagkaroon ng chance na magkaroon ng super [dapat i-emphasize ko ‘yun!] gadget to document those moments. chineck ko na ‘yung site na binigay mo bago ko pa sagutin ang comment mo. namangha ako… wala pa akong ganung talent… waaaa!!!!

    newei, salamat sa pagdaan mo dito ha… balik ka ulit🙂

    February 12, 2009 at 3:03 PM

  8. ELIment

    aba at napaaga yta ang holyweek mo. hehe pero ok lang, kulay red naman yung dugo eh. gusto ko yong unang pichure. patikim naman!

    hehehe. holy week last year pa ‘yun. ala lang gusto ko lang i-share. sa 1st pic, kung yung kape gusto mo dali lang gumawa nun. milo saka 3-in-1 coffee lang yun eh. tpos samahan mo ng kahit na anong cookies… solb na ang sikmura!🙂

    February 12, 2009 at 9:24 AM

  9. Eto si supergulaman ang hilig sa chicks oh..tsk.. Pauwi na nga si Grasya nya eh..lolz

    Nice photos! Sa Malaysia ka?
    YUng batang may mga dahon sa ulo pangarap maging puno! Wahahahahaha! Ubo!

    Dito ako Singapore. Kuha yan nung trip namin sa malaysia… danda dyan sa putra mosque kaya lang malayo sobra. hehehe!

    Yung bata, sasabihin ko sana may ambisyon na maging si balagtas o kaya albularyo… hahaha!

    February 12, 2009 at 1:41 AM

  10. wenks….ganda pictures…ahehehe…pwede na nga part-time… sana mga seksing chicks naman ma-picturan…weeeee….(*lagot ako*)

    sumbong kita kay grasya superG. hahaha! pero cge, try ko hanapin yung ibang pics ko ng sexy girls… kung natabi ko pa😀

    February 11, 2009 at 10:05 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s