When The Right One Comes Along…

Lips Of An Angel by Hinder


Mahal ko siya but I’m already committed. Kung dumating lang sana agad siya…

Dahil love month pa rin, gusto ko munang abusuhin [tulad ni superG at dylan] ang buwan na ito at mag-post ng mga kuwentong pag-ibig – fiction man o true-to-life. Sa pagba-blog hopping ko kasi at pakikipag-bonding sa mga kikay friends ko ay maraming istorya na rin akong nasagap. Tulad din ng ibang mga kakosa natin dito sa blogosphere, madalas na rin akong hingan ng opinyon at payo sa mga bagay-bagay about love. Kung minsan nga, gusto ko na nga humingi ng consultation fee. Aba! Mahirap din yata mag-isip at magbigay ng mga straight na payo ha. Minsan mapapaisip ka pa kung ang mga payo na ‘yun ay naa-apply mo sa personal mong buhay. Tulad na lang ng topic ko ngayon. Third Party.

In every relationship siguro dumarating talaga ‘yung time na medyo nanlalamig ka na sa partner mo dahil na rin sa mga pangyayari sa inyong relasyon.  And sometimes, even if you try hard to save the relationship, sadyang may kulang pa rin. You’ll stay pero stressed ka na. At this point biglang may makikilala ka, darating sa buhay mo at pagkakatiwalaan mo. Sa una magiging friends kayo – kasama sa pagkakape pag breaktime, kakuwentuhan pag naiinip. Tapos exchange contact numbers na kayo; magiging textmate na. At dahil darating ang time na mawawalan ka ng kasabay sa pag-uwi [nagkataon pa na pareho ang way nio], hihintayin mo na rin siya para may makasabay ka. O ire-request niya na sabayan mo siya. You feel good when you’re together. Sa tuwing magkasama kayo, pakiramdam mo naglalakad ka sa alapaap. Suddenly you feel secure and special. Isang feeling na tingin mo ay di mo pa naramdaman sa tanang buhay mo – with your current partner. Before you know it, nahulog ka na pala sa kanya. In love ka na. Pano ka pa iiwas?

lovers_by_anna_love

Marami na akong nakilala na na-involve na sa ganitong klaseng relasyon. Kung minsan sila ‘yung 3rd party, minsan naman the other way around. Alin man sa dalawang scenario ang kinalalagyan mo, may uuwing masaya at talunan. Hindi kailanman naging tama ang ganitong klase ng relasyon pero dahil sa masaya ka while you’re in it, hindi mo na naiisip kung ano ang tama sa mali. Basta ang alam mo lang “masaya” ka. The kind of feeling which you long to experience again after living in a life you called “hell”. A selfish kind of feeling. Pero masama bang isipin paminsan-minsan ang sariling kaligayahan?

Ang say ko lang, if you’re not happy anymore, leave. Bakit mo pa pipilitin ang sarili mo sa isang relasyon na hindi mo na kayang panindigan? Magiging iritable ka lang palagi at mawawalan ng focus – sa sarili mo, sa pamilya mo, sa pagkatao mo. If you’re married with kids at sila ang dahilan kaya hindi ka makaalis, gugustuhin mo bang masaksihan pa nila ang mabilanggo sa isang samahan na hindi na buo at pinalamig na ng panahon? Mas makabubuti ba if you’ll stay with them but remain unhappy and restless? Kung ikaw naman ay dalaga/binata, gaano ka kasigurado sa iyong “significant other”? Handa ka bang ipaglaban siya sa buong mundo? Gaano ka katotoo sa inyong relasyon? Hindi kaya dala lang iyan ng libog [pardon for the word] o pansamantalang paghahanap ng makakapitan? Kung masasagot mo ng straightforward ang mga tanong ko at tumitibok pa rin ang  puso mo para sa taong may “sabit” na, then you must be really in love.

Ayokong magpaka-ipokrito sa aking pananaw sa ganitong klase ng relasyon. Wala akong karapatan na maghusga sa tunay na emosyon ng mga taong nahulog sa bitag ng maling pagmamahal. Hindi naman kasi lahat ng na-hook up dito ay dapat sisihin at buntunan na “sex” lang talaga ang hanap nila o kaya ay panandaliang kaligayahan. Naniniwala ako na karamihan ay totoong pag-ibig din na umusbong sa maling panahon. Anu pa man ang rason, kung pipiliin mo ang pumasok sa ganitong relasyon dapat mo pa rin isipin at isaalang-alang ang mga konsekuwensiya ng ganitong samahan dahil sa maniwala ka man o hindi, marami pa rin ang masasaktan at matatapakan. At kung handa ka nang harapin ang mundo at salubungin ang mga magbabato ng kamatis sa iyo, saka ka lumabas para manindigan.

Love is like dark chocolate. Although it always leaves you with a bitter taste in your mouth, you will still be tempted to take a bite the next time around.

9 responses

  1. Azel

    Naka relate ako sa article mo. Eto na yung pinaka mabigat na problema sa relasyon nmn. Dapat pa bang ipaglaban ang relasyon na sobrang sinubok ng pagkakataon? Hindi lang 3rd party ang involve, this time with innocent life. We almost plan na magpakasal para ako yung maging legal, pero di natuloy kasi magkahiwalay kami ng bansa. In the end, andun pa din sila at magkasama pero di kasal, at ako naman, naiwan na tanging himala na lang ang pag-asa.

    October 2, 2012 at 6:53 PM

  2. i like your quote about love… tagos hangang laman…

    ganun talaga ang LOVE… basta ako nakarelate dyan at may entry ako regarding dito na ang title ay “i love you goodbye”

    hehehe! gnyan ang drama ko dati… “i love you, goodbye”. naiba na ngayon… “hello love, where you’ve been?” na🙂

    thanks for dropping by. cge daanin ko ulit ang bahay mo at nang mabasa ko yang entry mo. baka maka-relate ako🙂

    February 13, 2009 at 2:05 PM

  3. enjoy

    @superG – hehehe… oo nga superg. kaya nga kung hindi na mahal, mabuti pang separate ways lang hanggat maaga para hindi na dumating sa point na both are emotionally wrecked na.🙂

    @dylan – may friends din akong ganyan. kaya lang kahit anong advice naman ibigay sa knila, sila pa rin naman masusunod. wala rin akong mgagawa. friends ko pa rin sila… hehehe.

    yang animation, nakita ko lang nung naghahanap ako ng pang-comment sa friendster. natawa agad ako. yan clown ko pag naiinis ako. hehehe!

    February 9, 2009 at 5:32 PM

  4. hay, nung kabataan ni kengkay nag experimento rin ako sa ganyan. dalawa BF ni kengkay, hahaha. pero sakit lang ng ulo ano. tapos ayan, nagkaron din ako ng BF na may GF din pala, o ano napala ko? a dose of my own medicine😀 pero yun na nga lang, wag umasa sa mga ganyang relasyon, mababaliw lang yon sa ka-aasa.

    February 9, 2009 at 5:24 PM

    • enjoy

      awww! may naughty side ka din pala kengkay…. hehehe. alam ba ni kengkoy yan? amshure kung alam man niya secured na siya sau ngaun🙂

      February 9, 2009 at 5:38 PM

  5. ELIment

    “Love is like dark chocolate. Although it always leaves you with a bitter taste in your mouth, you will still be tempted to take a bite the next time around.” wow..ganda naman nito.

    ate enjoy, cge wag ka na manghula..anyway, malalaman mo rin naman..hehe

    – ayoko na talagang manghula. haha! gusto ko rin yung quote ko. napulot ko lang yan sa tabi-tabi. intro sa about.com nung hanap ako ng quotes. hehehe!

    February 9, 2009 at 4:31 PM

  6. Natawa at natuwa naman ako sa drawing mo dun sa “leave me a comment”..

    hehe..

    February 9, 2009 at 10:34 AM

  7. Aww. Gusto ko yung quote mo.. Hehe

    Anyways, may mga tao kasing sobrang gumamit ng puso, di na pinapansin ang dikta ng utak.. Kahit alam nilang maling-mali sige pa rin..

    May frend akong ganyan, hayun.. sila pa rin. Pero kaibigan ko pa rin sya. Ayoko lang nung ginagawa nya..

    Pag-ibig talaga oh! Masyado!
    nyahaha

    February 9, 2009 at 10:33 AM

  8. kaya nga…habang maaga, iwas na….mahirap ang may komplikasyon…

    kung sakali man na magmahal ka ng iba bukod sa karelasyon mo ngayon…iwan mo na ang karelasyon mo ngayon…

    …hindi ka naman kasi magmamahal ng iba kung sobrang mahal mo ang una…🙂

    …eheks…opinyon lang…😀

    February 9, 2009 at 5:12 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s