Malaysia – kakasa ka ba?

Yey!

Sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng panahon para harapin ang pagba-blog. Medyo antagal din nanahimik ng utak ko sa pag-iisip ng maikukuwento. Kung tutuusin hindi naman ako talagang busy dahil wala pa rin naman akong trabaho. Masarap lang manahimik paminsan-minsan dahil pagod pa ang bibig ko sa kakatalak [mula sa isang di makakalimutang trip] at pati ang utak ko ay mistulang tumatalak din. Slightly damaged ako noong mga nakalipas na araw kaya ang resulta: complete shutdown. Pero OK na ulet ako ngayon kaya dadaldalin ko na kayo.πŸ˜€

Noong bagong tuntong ako dito sa Singapore winish kong makarating din sana ako sa Malaysia. 6 hours bus ride lang ang capital nitong Kuala Lumpur mula SG kaya yakang-yaka ang biyahe. Para lang akong nagbiyahe mula Manila papuntang Baguio, may kasama pang free scenic views. Kaya ng magkaroon ng [very] long vacation in time for the Chinese New Year, sinunggaban na namin ng mga friends ni Gard. After ng bowling about 2 weeks ago, dumiretso agad kami sa bus terminal para bumili ng tiket papuntang Kuala Lumpur, Malaysia. Ang trip to Malaysia – GO NA GO NA!!!

Linggo, January 25, 12:00 NN ang alis ng bus papuntang KL. Maaga kaming umalis ng bahay para di ako kami ma-late. Nasa bus na kami going to our meeting place ng ma-realise ni Gard na di namin dala ang passports kaya no choice kungdi ang bumalik. Umpisa pa lang may kapalpakan na kami. Masamang umpisa pero positive pa rin ako. After 10 mins nagkita-kita na rin kami at umabot naman sa dapat na biyahe. Biyahe…biyahe…idlip. Daan ng SG Immigration…makalipas ang 2 hours, Malaysia Immigration na. Water break! Wohoo! Sumakit na ang pantog ko sa kakatiis ng wiwi ko. Buti na lang at may stop over kaya pwedeng ma-CR.

Oh ehm gee!!! Did I tell you that I’m kinda’ maselan pagdating sa toilet? Oo na, maarte na pero iniisip ko lang naman ang aking personal hygiene at sa tingin ko ay mag-aagree rin naman ang ilan sa kaartehan ko kung ganitong klase ng toilet ang madaratnan mo:

img_6721 [na sana kahit na squat o hole-in-the-ground toilet ang gamit nila eh panatilihin naman na malinis at hygienic; malamang pagtiyagaan ko na rin.]

Charge it to experience. At least nalaman ko na ganito pala ang common toilet dito sa Malaysia. After 3 more hours ay narating na rin namin ang Puduraya Bus Terminal sa KL. At dito na nagsimula ang isang exciting and unforgettable sojourn in Malaysia.

Mashadong mahaba kung ipagpipilitan kong ikuwento ang buong istorya, so I’ll try to make it short and simple. Kung isa-summarize ang tatlong araw na pagtigil namin sa Malaysia, eto ang mga na-experience namin:

1st day:

1. maubusan ng tiket papuntang Genting. Chinese New Year nga pala kaya pati ang mga lokal ay atat na magpalamig sa Baguio version ng Malaysia. Ang siste, kailangan pa namin gumising ng maaga para makipag-unahan at makipag-haggle sa mga mandurugas sa pilahan makabili lang ng tiket. Buti na lang ang nakakuha pa kami ng bus ticket pabalik ng SG [‘yun nga lang medyo mahal na]

img_6292

Lesson: siguraduhin na nakapagpa-book na ng ticket bago pa man bumiyahe. OK?

2. mawalan ng alahas. Singsing na ni Gard ‘yun mula pa ‘nung college siya; gold dragon ring na bigay pa ng mama at papa niya. Kapapaayos lang niya ‘nun a day bago ang alis namin dahil deformed na, oblong na yung shape. Nawala ng ganun na lang na wala man lang nakaalam kung paano.

Lesson: check your belongings and valuables all the time.

3. mabastos ng mga vendors sa Chinatown. Di na sila nasiyahan sa over-pricing nila, pinatikim pa kami ng pambabastos.

Lesson: anong lesson ba ang pwede dito? ‘Pag binastos, lumaban? Hmm…

4. magoyo ng mga damuhong Pakistani na mukhang Indian na di mukhang lokal. Tayong mga Pinoy ay likas talagang hospitable at friendly. ‘Pag may mga foreigner na nagpakilala na mukang friendly naman, eh go-make-peace ang drama natin. Kaya ayun, matapos magpaka-feeling friendly ni Gard, di niya napansin na nakunan na pala siya ng RM100 (P1400) ng mga damontres! Magpi-feeling heroine sana ako pero may magic yata ang mga mokong at bigla na lang nag-disappear sa dilim.

Lesson: wag maging over-friendly. Di masamang maging snob paminsan-minsan. Be cautious.

2nd day:

5. makipagtawaran sa taxi fare dahil di yata uso ang metro sa kanila [gaya sa ‘pinas] kahit na meron naman. Ang fare mula sa sentro papunta sa aming hotel ay RM4.00 (P56.00) lang pero ang madalas na kontrata ng mga tinamaan ng l***ek na mga taxi drivers ay mula RM8.00-RM20.00. Sa totoo lang karamihan sa mga angas na driver dun eh hindi lokal. Mga napsters/anaps/indians na ang tigas ng mga mukhang manloko ng kapwa at mambastos. At to the max na talaga ang isang napster na na-encounter namin na sumingil sa amin ng RM20/person ng walang sabi-sabi. Kungdi ko pa naitanong agad e baka nagoyo na kami ng tuluyan. Hindi umubra ang sama ng ugali niya sa ‘kin. Sayang na lang ang paglaki ko sa Tundo kung di ko rin lang magagamit. He-he-he!

Lesson: wag sakay ng sakay. Magtanong muna. ‘Pag di ka sinagot, maghanap ng ibang taxi.

6. GENTING SKYWAY FEAR FACTOR!!! Nampating! Di ko in-expect na ganun pala kataas ‘yun. Kala ko in-exaggerate lang ng mga kasama ko ang sky-high height para takutin ako on purpose. Muntik ko nang di kayanin [acrophobic nga ako di ba?].πŸ˜€

cable

*Hindi lesson kundi applause dahil talaga namang conquer-your-fear ang theme ng cable car ride na itech! Pinilit ko pa rin idilat ang isang mata ko para lang ma-experience kahit paano ang joy ride to the top.πŸ˜€

3rd day

7. mamangha sa taas at istraktura ng Petronas. Sayang nga lang at di kami umabot sa bigayan ng ticket para marating ang Petronas bridge. Limited lang kasi ‘yun at may oras pa ng pagkuha. Nahirapan din kaming kunan ng buo ang structure pero nahanapan pa rin namin ng paraan.πŸ™‚

petronas

Lesson: kung gusto mong masilayan ang kabuuan ng KL mula sa Petronas bridge, matutong gumising ng maaga ng makakuha agad ng tiket.πŸ™‚

8. maglakad ng humigit-kumulang sa 500-metres sa gitna ng matinding sikat ng araw. Eto ay sa pag-aakalang daraan ang bus sa harap mismo na Putra Mosque na sinadya pa namin via KLIA express train. Sama pa nun eh nakalimutan namin magdala ng tubig kaya dehydrated kaming lahat.

putra1

Β 

9.ma-misunderstood ng bus driver at maibaba 20-35kms away mula sa dapat na drop-off place. Hanggang sa huling sandali ay di pa rin kami nakaligtas sa kakaibang misfortune.

Lesson: linawin mabuti ang mga detalye. Ask questions.

Na-enjoy rin naman namin ang trip kahit pano. Natuto sa mga sarili naming pagkakamali at nangako na hindi na namin muling babalikan ang Malaysia na magiging wise, cautious at prepared next time. Inakala namin na pagdating sa pandurugas [pardon me pero ito ang totoo] ay matindi na ang ilan sa mga Pinoy pero mas talamak pa pala ang bagsik ng mga tao sa Malaysia dahil iba’t ibang lahi at kultura ang nagvolt-in doon. Naalala ko tuloy ang dahilan kung bakit sinikap ng Singapore na humiwalay noon sa Malaysia. Ito ay dahil daw sa lupit ng pagtrato sa mga intsik; pinahihirapan, pinapatay. Ilan sa mga Malaysian friends din ni Gard ang nagpaalala sa kanya na mag-ingat sa tuwing pupunta ng Malaysia. Dalin ang valuables hanggat maaari-kahit pa ang laptop. Ayokong isipin na lahat ay ganun. Maaaring marami lang ang nagpapasama sa pagkatao ng Malay. May kakilala rin naman kasi kaming matitino at maaayos.

Masarap balikan ang Malaysia kung ang pakay mo ay mga lugar na tulad ng Petronas, Genting o Putra Mosque. Pero kung ang plano mo ay makipagsapalaran upang danasin ang aming mga eksperiensya, babalaan na kita ng ibayong pag-iingat. Mas mabuting maging handa pa rin sa banyagang lugar, o mas mainam kaya ay mag-package tour na lang. Safety comes first.

Malaysia… one memorable and truly an unforgettable experience.

10 responses

  1. enjoy

    mukhang petiks ka na naman dyan sa kuta mo ah at libut-libot ka na naman. gusto ko man sumpain yang malisya, este malaysia di ko magawa dahil marami tyong mga fwendly blogger friends dyan. graverrriffiic talga yan trip na yan. wan op da kaynd!

    kaya kahit pano, nitry ko pa rin i-enjoy. sayang ang pangalan ko diba? at di ko talga binalak na magshorts dun dahil alam kong maraming kups sa lugar na yan. hahaha!

    April 17, 2009 at 1:00 PM

  2. AC

    punyeta yang cable car ng genting yan na yata pinakamatinding cable car experience ko! at tumirik pa sa gitna ng kagubatan ha! sabi tuloy ng mga pesteng itik na kasabay ko “we’re stuck here. we’re gonna sleep here until tomorrow. so you’re waiting for GMA?”

    pakyu ol!

    bwahahhaa

    April 17, 2009 at 12:19 PM

  3. AC

    nagkakalkal ako ng old entries mo ateh. hehehe.

    onga, baket ba ganyan mga toilet bowl sa malaysia. hirap tuloy ako at ang haba ng binti ko. pero ang nakakainis lang maski sa mga sosyalan na lugar like sa KLCC potek naman yung bowl may jebs pa! pati yung gilid gilid! kundi nga lang ba magkakasakit ako sa bato pag pinigil ko wiwi ko e di talaga ko magwiwiwi dun! nakow!

    at oo ateh taena mga taxi driver jan sampung tambling lang mula sa pinanggalingan mo kung makasingil kala mo wala ng bukas! at ang cranky pa nila ha kundi nga lang ba baka mabagansya ako e sasapakin ko na sana yung panot na driver eh.

    tsaka ateh, narealize ko talaga na makapal ang mukha ko kase nung nag-ikot2 ako sa KL ay nakashorts lang po ako dahil sobrang init. at syempre lam mo na ang mga utaw na itik na uhaw sa laman aba kinakantahan ako ng “byutipol gorls.. suicidol suicidol..” (sabay titig sa legs ko) tsaka “bebot bebot bebot!”

    pero wa ako keber. mamatay silang hanggang tingin! bwahahah!

    oh ngayon, narealize mo na din talagang di ako disenteng tibo.. este babae pala. wahahha.πŸ˜€

    April 17, 2009 at 12:18 PM

  4. common toilet >> hindi lahat ganun, siguro yung mga lumang buildings ganun pa

    saan nawala ang alahas ng friend mo? at bakit hindi nya naramdaman?

    takutan lang sa china town pag tumatawad ako parating 40 percent lang ng price nila. like for example kung 100 sabi nila tawaran mo ng 35 or 40.

    yung mga taxi driver na indian kupal talaga.. pero madami naman taxi driver na local so antay lang ng mag memetro…

    genting ok yun… dapat nag taxi na lang kayo andun din ako nung chinese new year sana tinext nyo ko… hahah!

    hindi ko rin alam kung paanong nawala yun sa kanya. bsta pagtingin niya sa daliri niya wala na. mukhang napasarap ang shake-hand sa mga “friendly” napsters.

    sa totoo lang, ang tindi ng patong nila sa chinatown. japeyks naman. at trulili na mga anaps nga ang talamak na driver dun. ang hirap lang talga maghintay ng local na magmemetro. karamihan kontrata nakukuha namin.

    at kung napaaga lang din ang daan mo sa site ko [sabagay, binuksan ko ito after chinese new year na], baka nai-text ka namin agad. hehehe!

    teka, sa malaysia ka ba destino?

    February 13, 2009 at 1:54 PM

  5. Hello! dito ako sa genting nagwowork. kelan itong trip na to? Sorry to hear about your misfortunes, nde kasi advisable na sumakay ng taxi, kapag alam nilang foreigners kayo eh tatagain talga kayo lalo ng mga pana.

    Siguro, dapat properly planned ang libot nyo para nde masyadong malasin. Sa totoo lang nde ako nagpupunta sa Chinatown kasi nde safe.

    Next time na libot nyo sabihan nyo ako para may magguide sa inyo at para enjoy ang laboy, hehehe

    cge sabihan kita KUNG maiisipan ulit namin pumunta. sayang at ngayon lang ako natalisod dun sa site mo. pero OK na rin ‘yun naging trip namin. we learned our lesson the hard way at may naiwan pang bakas sa memories namin. unforgettable talaga. hehehe!πŸ˜€

    February 11, 2009 at 8:24 PM

  6. enjoy

    hi elyong! gano ba katagal ang travel time from tawi-tawi to malaysia? from singapore kasi, less than an hour lang talaga. dating province kasi ng malaysia ang singapore kya tlagang lapit lang. yung sa center (KL) lang ang malayo. kaya lang super duper nakakadismaya ang mga people dun. hays… baka di na ko umulitπŸ™‚

    February 7, 2009 at 9:52 PM

  7. Mas madaling pumunta sa malaysia dito dadaan sa Tawitawi.. hehehe..

    February 7, 2009 at 7:32 PM

  8. enjoy

    @aling baby – hehehe! lahat naman siguro takot sa mandurugas. nasa atin na lang yan kung padurugas tau. eh si gard lapitin ng mandurugas kaya aun… wahaha! *sigh* πŸ˜€

    @superG – honga! ang mga damontres na yun at super disguise pa. pagbalik ko dun hahantingin ko sila. hee-hee!

    February 4, 2009 at 12:33 AM

  9. hala! kala ko onli in da pilipins lng ang mga mandurugas at kawatan…pero astig nakarating pa ng petronas…sosi…sama naman…ahahaha…:D

    February 3, 2009 at 10:45 AM

  10. haaays… watta eksperyens naman yun. bigla tuloy akong nagdalawang esep hehe. medyo takot pa naman ako sa mga mandurugas. pero in fairness ang ganda ng pics nio sa petronas at dun sa cable car…ang importante, nag-enjoy pa rin diba.πŸ™‚

    February 3, 2009 at 5:30 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s