Posts filed under 'Motherhood'
Embracing Motherhood
After another week of habitual idleness in blogosphere, it feels good to slip back into the old routine, blogging. I’ve been away for quite a while not because I don’t have the urge to write again or could have been experiencing another writer’s block. I have a lot of things to share with you guys—like my visit in the Philippines, my kids’ impish yet amusing behaviors, their mixed emotions towards their migration to Singapore (oh yeah! they are here already), etc.—so much to tell you that I don’t know which topic do I start first. It’s just that since we got back here in SG, kids have stolen my private moments with the computer and assumed its ownership. The only time I can use the computer is while they’re still asleep or when I haggle with them so I must really make the most of it.
37 comments Oktubre 9, 2009
Sisters
Pasensya na po sa paudlot-udlot na pagsibita ko sa inyong mga bahay. Ako po ay kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa paghahanap ng trabaho dahil masyado na akong pine-pressure ni Gard. Buti na lang, I’m flexible and I can handle pressure. If my abilities meet the need
Salamat po sa lahat ng mga bumati sa akin noong nakaraang Mother’s Day. Yes, oo, affirmative. Ako po ay isa ng Nanay, Mama, Inang, Mummie. And I’m a proud mother of two pretty girls like me. Marahil ay nagtataka kayo kung baka hindi ko man lamang sila naikukuwento. Tulad ni Gard ay pinili ko rin na ‘wag muna silang banggitin dito dahil sa personal na kadahilanan. Pero ngayon ay kukuwentuhan ko na kayo tungkol sa aking future beauty queens. Mayo pa naman so ito ay buwan pa rin ng mga ina kaya kuwentong nanay muna ulit tayo.
Maikokonsidera pa ring bata ang aking edad ng ako ay maging mommy (21 lamang ako noon). Aksidente pero ito ang pinakamagandang aksidenteng nangyari sa akin. Year 1996 ng isang munting prinsesa ang dumating sa buhay namin ni Gard na nagpaikot ng husto sa aming mundo. Bata pa kami noon at parehong walang alam sa buhay pero si “Ate” ang nagpatatag sa bonding namin. She’s a shy little girl pero sobrang appreciative. Kahit maliit na bagay na ibinigay o ginawa mo para sa kanya, maa-appreciate niya ng bonggang-bongga. Then “Bunso” came. Ate was very protective of her. Hangga’t maaari nga ay ayaw niya itong pahawakan sa hindi niya kilala. She would always kiss and embrace her little sis na nakatutuwang pagmasdan. ‘Though medyo na-outgrow na ni Ate ang pagiging protective at affectionate kay Bunso, marami pa rin silang lambingan moments.
Modesty aside but my Ate and Bunso are pretty in their own ways. Naalala ko pa noong magsimula silang mag-aral. Madalas ikuwento ng teachers nila ‘yung mga estudyanteng lalaki na may crushes sa dalawa. How one student fought with his classmate para lamang makatabi sa upuan si Bunso. Kilala sila sa buong pre-school department. At maging sa buong grade school department noong tumuntong sila ng grade school. Sabagay, maliit na private school lang naman ‘yun kaya madali rin maging popular. And both at the age of 7, nagkaroon na sila ng suitors! Hindi ako OA na nanay pero I make sure na realistic pa rin ako kaya madalas ko silang kinakausap tungkol sa ganitong issue. Gusto ko rin naman kasing ma-experience nila ang kilig without having the fear na baka mapagalitan sila. So at the age of 7, sinabihan ko na si Ate na dalhin sa bahay ang suitor niya
They’re both charming and brainy. Si Ate, madalas na kasama sa top students while Bunso is trying hard to excel too. Talagang “hard” dahil nadi-disappoint siya kapag hindi siya napapasama sa top 3 ng klase nila. Active din sila sa extra-curricular activities. Ate played volleyball at si Bunso naman ay basketball. Opo, babae po sila. Lagi rin silang kasali sa mga school programs. They both sing and dance. Si Bunso nga ay nanalo pa sa on-the-spot dancing contest kung saan ay tinanghal siyang Little Miss Bambini.
Pero hindi madaling maging nanay sa dalawang magkaibang personalidad. Kahit kasi pantay ang ipinaparamdam naming pagmamahal sa kanila, may isang pa rin nagseselos… nagtatampo. Mayroong mahirap pakiusapan… mayroon din namang nagdudunung-dunungan. Pero sa kabila ng kanilang mga flaws, walang UNA sa pagmamahal at walang SECOND BEST. Sinisiguro namin na anuman ang hindi pagkakaunawaan between them at maging ang mga tampo nila sa amin ni Gard ay agad na naiko-communicate. Lalo na ngayon na nasa adolescent stage na si Ate. Natuto na kami ni Gard mula sa mga experience namin sa aming mga magulang. Pareho kasing hindi communicative ang parents namin kaya kahit na nandito kami at sila ay nasa Pinas pa, madalas pa rin kaming mag-usap at mag-chat.:)
Alam ko na mahaba pa ang bubunuhin ko sa pagpapalaki kay Ate at Bunso. Sana ay maging successful ako. Buti na lang at madaling makihalubilo at sakyan ang kanilang ugali at kakulitan dahil halos para lang kaming magkakapatid. (‘wag na kayong umangal… hehehe) At excited na ako dahil malapit nang dumating ang araw na magkakasama-sama na ulit kami
22 comments Mayo 14, 2009
It’s Too Damn Late
But it’s too late. It’s too damn late.
Continue Reading 13 comments Mayo 11, 2009







