Posts filed under 'Friendship'
To blog or not to blog?
Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman.
Continue Reading 26 comments Mayo 8, 2009
Tustadong Utak
Naglipana ang mga ganitong tao sa mundo. They don’t watch their actions and they don’t even care kung nakakasakit man sila. As long as they are happy with what they’re doing and they think that they will benefit from it, what do they care?!
Continue Reading 18 comments Mayo 7, 2009
Thank you, and more…
Salamat po sa lahat ng mga tumangkilik ng aking produkto nakalipas na entry: sa mga nagbasa at nagkomento; sa mga nagbasa at hindi nagkomento; sa mga nag-ENJOY sa kuwento; sa mga nangialam kung bakit ENJOY ang pangalan ko at sa mga nag-imbento nang derivatives ng aking alyas… salamat po sa inyo!
Continue Reading 29 comments Abril 30, 2009
Here’s to Friendship!
I keep my friends as misers do their treasure, because, of all the things granted us by wisdom, none is greater or better than friendship.
~ Pietro Aretino (1537)
Continue Reading 23 comments Abril 7, 2009
Special Award for Sisters Ü
Napansin ko na nagiging weekly na lang pala ang pagsusulat ko ng entry ngayon. Dahil nga sa “productive” ako lately, ang nagagawa ko na lang pagdating sa bahay ay bumisita sa “tahanan” ng mga natatangi kong blogmates dahil na rin sa matinding pagod mula sa 1 1/2 hours na travel time ko mula opisina hanggang sa aming bahay. Isa’t kalahating oras na biyahe ng bus at train na suwertihan pa kung makakaupo ako dahil peak hours na ‘nun. Sa loob ng isang linggo, isa o dalawang beses lang ito kung mangyari; kalimitan ay aligaga ako sa pagkalkula ng aking balanse para di matumba sa maalog na biyahe. Isang simpleng reklamo na alam kong hindi na dapat pagtuunan ng pansin. Pasalamat pa nga ako at nagagawa kong bumiyahe dahil may trabaho na ako. *wohoo!*
Sa maghapong pagod, isa sa mga konsuwelo ko ang makapagbasa ng mga interesting blog entries na magpapagising sa mga inaantok ko nang diwa. Hindi man ako makapag-iwan ng komento, alam kong isa sa mga araw ay muli kong babalikan ang entry para muling namnamin ang mainam na pagkakasulat nito – maging ito man ay nakakaTAWA, nakakaTUWA, nakakaLUNGKOT, nakakaTAKOT, nakakaIN LOVE, nakakaIYAK, nakakaGALIT o nakakaTAKOT.
SISTERHOOD AWARD – isang award na natanggap ko mula kay katukayong AC. Geez! Isipin mo yun, isa pala ako sa mga bloggers na nakaka-inspire sa’yo. Super-duper touch naman ako. I feel like crying tuloy [or I'm just too emotional lately?
] At siempre dahil “sisterhood” ang name ng award, for “sisters” only lang ito.

*Oh, geez! Look at the icon image… ang socy di ba?*
At siempre ulit, bawat award ay may rules… kaya eto na ‘yun:
- Put the logo on your blog or post.
- Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
- Be sure to link to your nominees within your post.
- Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
- Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.
At ipinapasa ko ang award na ito sa mga powerpuff girls sa aking blogroll…
Nortehanon [alam kong marami nang nag-award sayo nito pero you're really one of those bloggers who inspire me
]
Azel [babae ka ba talaga? nako-confuse ako sa blog name mo. aheks!]
Go, go, girl power!

6 comments Marso 21, 2009
it is written…
Ngayon ko lang napansin na matagal-tagal ko na rin palang hindi napapraktis ang aking sulat-kamay. Kadalasan kasi ay sa harap ng kompyuter ang mga nakukuha kong trabaho, at kung magsulat man ako ay pawang mga simpleng note lang para sa aking mga kasamahan o di kaya ay isang signature na kailangan para ma-aprub ang isang proposal/ma-authenticate ang budget request form/liquidation form. Dahil techy na mashado ang panahon ngayon, maaaring iilang trabaho na lamang ang nagrerequire ng madalas na pagsusulat. Pati na nga rin ang love letter ay hi-tech na. Kung noon ay pahabaan ng sulat, with matching “sealed with a kiss” at “smile before you open” sa 1st fold ng letter, ngayon ay electronic na rin at tanging computer with keyboard [shempre naman!] plus internet connection lang ang kailangan mo.
6 comments Marso 8, 2009
TAG Mania
Dahil talaga namang usung-uso ngayon ang mga tag, suwerteng nakatanggap na naman ako ng tag galing kay Huntress Yanah. Nakakatuwa ang mga revelations niya ‘dun sa version niya pero shempre, stick lang ako ‘dun sa tag na para sa akin. Hee-hee!
Hindi ko na pahahabain pa ang aking intro dahil mahaba pa rin ang lalakbayin ng tag na ito. Simula na!
6 comments Pebrero 19, 2009
Pikchur… pikchur IIa (Alay kay SuperG, et al.)
Dahil sa matinding pressure at pangamba na di ako patulugin ng komento ni SuperG, o sige at eto na agad ang isa pang sequel ng sequel ng photoblog sequel ko kanina [ang gulo... basta karugtong. 'yun na 'yun].
I took the first two pictures last year, noong maiisipan naming magpunta sa Bintan, Indonesia, isang island resort na halos kalapit lang ng Singapore kung saan naglipana ang mga babaeng naka-bikini [at walang bikini]. Zoom lens ang gamit ko dyan kaya hindi obvious na minamanyak binobosohan kinukunan ko ng pikchur ang dalawang caucasians na ‘to. Minabuti kong ‘wag na lang kunan ang ibang bagay na ginawa pa nila habang nagtatampisaw sa shower na yari sa palaka [kung ano ang naisip ng may-ari ng resort at ginawang palaka ang shower, 'yan ang di ko rin alam] dahil amshure, dito pa lang sa mga piktyurs na ito, eh makakasuhan na ako ng invasion of privacy. Ngayon ang dasal ko na lang ay sana di sila mahilig mag-blog at internet… hehehe!


The rest of the pics were taken during the 3rd day of the F1 race here in Singapore. These girls were out in the street to entertain the fanatics who’ve watched the race. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nila kaya pagpasensyahan mo na superG kung medyo blurry ang ilan sa mga kuha. Medyo madilim kasi ‘yang part na ‘yan at bigla na lang silang sumulpot sa kung saan. Hehehe!
So there you go! Nailabas ko na ang mga nakatago ko sa baul. Mahirap kasi kung puro chicks ang lagi kong kukunan at baka magtuloy ang naudlot kong identity crisis. Natupad ko na rin ang promise ko s’yo superG. Wala na ‘kong utang ha. Sensya na nga lang at hindi ito tulad ng marahil ay inaasahan mong piktyur na pang-FHM. ‘Wag ka lang pahuhuli kay Grasya habang view mo ito ha at malamang ay mag-ala wonderG ‘yun. Hehehe!
Enjoy :p
10 comments Pebrero 17, 2009
I’ve Been Tagged!
Mood: Chaotic but surviving… in the midst of darkness, thanks for being around folks:)
Sa tinagal-tagal ng pag-istambay at paggagala ko dito sa blogosphere ay ngayon pa lang ako nakatanggap ng award. Sa totoo lang, muntik na akong maiyak [oha! totoots 'yun. teary-eyed pa nga ako hanggang ngayon]. At bakit naman hindi?! Ang tag kasi ay galing pa sa unang blogger na natagpuan ko dito, ang unang nagpahanga sa ‘kin, si Aling Baby. Akala ko kasi ay nananatiling tahimik ang mundo ko sa kanya but it looks like I have also caught her attention. Salamat naman kung gayon
Eto ang rule ng tag na ito:
11 comments Pebrero 16, 2009
Malaysia – kakasa ka ba?
Yey!
Sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng panahon para harapin ang pagba-blog. Medyo antagal din nanahimik ng utak ko sa pag-iisip ng maikukuwento. Kung tutuusin hindi naman ako talagang busy dahil wala pa rin naman akong trabaho. Masarap lang manahimik paminsan-minsan dahil pagod pa ang bibig ko sa kakatalak [mula sa isang di makakalimutang trip] at pati ang utak ko ay mistulang tumatalak din. Slightly damaged ako noong mga nakalipas na araw kaya ang resulta: complete shutdown. Pero OK na ulet ako ngayon kaya dadaldalin ko na kayo.
Noong bagong tuntong ako dito sa Singapore winish kong makarating din sana ako sa Malaysia. 6 hours bus ride lang ang capital nitong Kuala Lumpur mula SG kaya yakang-yaka ang biyahe. Para lang akong nagbiyahe mula Manila papuntang Baguio, may kasama pang free scenic views. Kaya ng magkaroon ng [very] long vacation in time for the Chinese New Year, sinunggaban na namin ng mga friends ni Gard. After ng bowling about 2 weeks ago, dumiretso agad kami sa bus terminal para bumili ng tiket papuntang Kuala Lumpur, Malaysia. Ang trip to Malaysia – GO NA GO NA!!!
10 comments Pebrero 2, 2009







