Posts filed under 'Relationship'
Embracing Motherhood
After another week of habitual idleness in blogosphere, it feels good to slip back into the old routine, blogging. I’ve been away for quite a while not because I don’t have the urge to write again or could have been experiencing another writer’s block. I have a lot of things to share with you guys—like my visit in the Philippines, my kids’ impish yet amusing behaviors, their mixed emotions towards their migration to Singapore (oh yeah! they are here already), etc.—so much to tell you that I don’t know which topic do I start first. It’s just that since we got back here in SG, kids have stolen my private moments with the computer and assumed its ownership. The only time I can use the computer is while they’re still asleep or when I haggle with them so I must really make the most of it.
37 comments Oktubre 9, 2009
Sisters
Pasensya na po sa paudlot-udlot na pagsibita ko sa inyong mga bahay. Ako po ay kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa paghahanap ng trabaho dahil masyado na akong pine-pressure ni Gard. Buti na lang, I’m flexible and I can handle pressure. If my abilities meet the need
Salamat po sa lahat ng mga bumati sa akin noong nakaraang Mother’s Day. Yes, oo, affirmative. Ako po ay isa ng Nanay, Mama, Inang, Mummie. And I’m a proud mother of two pretty girls like me. Marahil ay nagtataka kayo kung baka hindi ko man lamang sila naikukuwento. Tulad ni Gard ay pinili ko rin na ‘wag muna silang banggitin dito dahil sa personal na kadahilanan. Pero ngayon ay kukuwentuhan ko na kayo tungkol sa aking future beauty queens. Mayo pa naman so ito ay buwan pa rin ng mga ina kaya kuwentong nanay muna ulit tayo.
Maikokonsidera pa ring bata ang aking edad ng ako ay maging mommy (21 lamang ako noon). Aksidente pero ito ang pinakamagandang aksidenteng nangyari sa akin. Year 1996 ng isang munting prinsesa ang dumating sa buhay namin ni Gard na nagpaikot ng husto sa aming mundo. Bata pa kami noon at parehong walang alam sa buhay pero si “Ate” ang nagpatatag sa bonding namin. She’s a shy little girl pero sobrang appreciative. Kahit maliit na bagay na ibinigay o ginawa mo para sa kanya, maa-appreciate niya ng bonggang-bongga. Then “Bunso” came. Ate was very protective of her. Hangga’t maaari nga ay ayaw niya itong pahawakan sa hindi niya kilala. She would always kiss and embrace her little sis na nakatutuwang pagmasdan. ‘Though medyo na-outgrow na ni Ate ang pagiging protective at affectionate kay Bunso, marami pa rin silang lambingan moments.
Modesty aside but my Ate and Bunso are pretty in their own ways. Naalala ko pa noong magsimula silang mag-aral. Madalas ikuwento ng teachers nila ‘yung mga estudyanteng lalaki na may crushes sa dalawa. How one student fought with his classmate para lamang makatabi sa upuan si Bunso. Kilala sila sa buong pre-school department. At maging sa buong grade school department noong tumuntong sila ng grade school. Sabagay, maliit na private school lang naman ‘yun kaya madali rin maging popular. And both at the age of 7, nagkaroon na sila ng suitors! Hindi ako OA na nanay pero I make sure na realistic pa rin ako kaya madalas ko silang kinakausap tungkol sa ganitong issue. Gusto ko rin naman kasing ma-experience nila ang kilig without having the fear na baka mapagalitan sila. So at the age of 7, sinabihan ko na si Ate na dalhin sa bahay ang suitor niya
They’re both charming and brainy. Si Ate, madalas na kasama sa top students while Bunso is trying hard to excel too. Talagang “hard” dahil nadi-disappoint siya kapag hindi siya napapasama sa top 3 ng klase nila. Active din sila sa extra-curricular activities. Ate played volleyball at si Bunso naman ay basketball. Opo, babae po sila. Lagi rin silang kasali sa mga school programs. They both sing and dance. Si Bunso nga ay nanalo pa sa on-the-spot dancing contest kung saan ay tinanghal siyang Little Miss Bambini.
Pero hindi madaling maging nanay sa dalawang magkaibang personalidad. Kahit kasi pantay ang ipinaparamdam naming pagmamahal sa kanila, may isang pa rin nagseselos… nagtatampo. Mayroong mahirap pakiusapan… mayroon din namang nagdudunung-dunungan. Pero sa kabila ng kanilang mga flaws, walang UNA sa pagmamahal at walang SECOND BEST. Sinisiguro namin na anuman ang hindi pagkakaunawaan between them at maging ang mga tampo nila sa amin ni Gard ay agad na naiko-communicate. Lalo na ngayon na nasa adolescent stage na si Ate. Natuto na kami ni Gard mula sa mga experience namin sa aming mga magulang. Pareho kasing hindi communicative ang parents namin kaya kahit na nandito kami at sila ay nasa Pinas pa, madalas pa rin kaming mag-usap at mag-chat.:)
Alam ko na mahaba pa ang bubunuhin ko sa pagpapalaki kay Ate at Bunso. Sana ay maging successful ako. Buti na lang at madaling makihalubilo at sakyan ang kanilang ugali at kakulitan dahil halos para lang kaming magkakapatid. (‘wag na kayong umangal… hehehe) At excited na ako dahil malapit nang dumating ang araw na magkakasama-sama na ulit kami
22 comments Mayo 14, 2009
It’s Too Damn Late
But it’s too late. It’s too damn late.
Continue Reading 13 comments Mayo 11, 2009
To blog or not to blog?
Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman.
Continue Reading 26 comments Mayo 8, 2009
Tustadong Utak
Naglipana ang mga ganitong tao sa mundo. They don’t watch their actions and they don’t even care kung nakakasakit man sila. As long as they are happy with what they’re doing and they think that they will benefit from it, what do they care?!
Continue Reading 18 comments Mayo 7, 2009
Thank you, and more…
Salamat po sa lahat ng mga tumangkilik ng aking produkto nakalipas na entry: sa mga nagbasa at nagkomento; sa mga nagbasa at hindi nagkomento; sa mga nag-ENJOY sa kuwento; sa mga nangialam kung bakit ENJOY ang pangalan ko at sa mga nag-imbento nang derivatives ng aking alyas… salamat po sa inyo!
Continue Reading 29 comments Abril 30, 2009
Here’s to Friendship!
I keep my friends as misers do their treasure, because, of all the things granted us by wisdom, none is greater or better than friendship.
~ Pietro Aretino (1537)
Continue Reading 23 comments Abril 7, 2009
Special Award for Sisters Ü
Napansin ko na nagiging weekly na lang pala ang pagsusulat ko ng entry ngayon. Dahil nga sa “productive” ako lately, ang nagagawa ko na lang pagdating sa bahay ay bumisita sa “tahanan” ng mga natatangi kong blogmates dahil na rin sa matinding pagod mula sa 1 1/2 hours na travel time ko mula opisina hanggang sa aming bahay. Isa’t kalahating oras na biyahe ng bus at train na suwertihan pa kung makakaupo ako dahil peak hours na ‘nun. Sa loob ng isang linggo, isa o dalawang beses lang ito kung mangyari; kalimitan ay aligaga ako sa pagkalkula ng aking balanse para di matumba sa maalog na biyahe. Isang simpleng reklamo na alam kong hindi na dapat pagtuunan ng pansin. Pasalamat pa nga ako at nagagawa kong bumiyahe dahil may trabaho na ako. *wohoo!*
Sa maghapong pagod, isa sa mga konsuwelo ko ang makapagbasa ng mga interesting blog entries na magpapagising sa mga inaantok ko nang diwa. Hindi man ako makapag-iwan ng komento, alam kong isa sa mga araw ay muli kong babalikan ang entry para muling namnamin ang mainam na pagkakasulat nito – maging ito man ay nakakaTAWA, nakakaTUWA, nakakaLUNGKOT, nakakaTAKOT, nakakaIN LOVE, nakakaIYAK, nakakaGALIT o nakakaTAKOT.
SISTERHOOD AWARD – isang award na natanggap ko mula kay katukayong AC. Geez! Isipin mo yun, isa pala ako sa mga bloggers na nakaka-inspire sa’yo. Super-duper touch naman ako. I feel like crying tuloy [or I'm just too emotional lately?
] At siempre dahil “sisterhood” ang name ng award, for “sisters” only lang ito.

*Oh, geez! Look at the icon image… ang socy di ba?*
At siempre ulit, bawat award ay may rules… kaya eto na ‘yun:
- Put the logo on your blog or post.
- Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
- Be sure to link to your nominees within your post.
- Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
- Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.
At ipinapasa ko ang award na ito sa mga powerpuff girls sa aking blogroll…
Nortehanon [alam kong marami nang nag-award sayo nito pero you're really one of those bloggers who inspire me
]
Azel [babae ka ba talaga? nako-confuse ako sa blog name mo. aheks!]
Go, go, girl power!

6 comments Marso 21, 2009
it is written…
Ngayon ko lang napansin na matagal-tagal ko na rin palang hindi napapraktis ang aking sulat-kamay. Kadalasan kasi ay sa harap ng kompyuter ang mga nakukuha kong trabaho, at kung magsulat man ako ay pawang mga simpleng note lang para sa aking mga kasamahan o di kaya ay isang signature na kailangan para ma-aprub ang isang proposal/ma-authenticate ang budget request form/liquidation form. Dahil techy na mashado ang panahon ngayon, maaaring iilang trabaho na lamang ang nagrerequire ng madalas na pagsusulat. Pati na nga rin ang love letter ay hi-tech na. Kung noon ay pahabaan ng sulat, with matching “sealed with a kiss” at “smile before you open” sa 1st fold ng letter, ngayon ay electronic na rin at tanging computer with keyboard [shempre naman!] plus internet connection lang ang kailangan mo.
6 comments Marso 8, 2009
People say…
true love never dies…
Do you believe in this? Sabi nila gaano man daw katagal na panahon ang lumipas, marami ng daraan at mangyayari sa buhay mo, pero kahit kelan hindi mo pa rin makakalimutan ang iyong “one true love”. Maaari kang magmahal ng iba, ibibigay mo ang lahat ng iyong makakaya for that relationship to work, pero kailanman hindi nun kayang pantayan ang pagmamahal na ipinadama at naramdaman mo sa iyong true love.
16 comments Marso 5, 2009







