Posts filed under 'On Love'
People say…
true love never dies…
Do you believe in this? Sabi nila gaano man daw katagal na panahon ang lumipas, marami ng daraan at mangyayari sa buhay mo, pero kahit kelan hindi mo pa rin makakalimutan ang iyong “one true love”. Maaari kang magmahal ng iba, ibibigay mo ang lahat ng iyong makakaya for that relationship to work, pero kailanman hindi nun kayang pantayan ang pagmamahal na ipinadama at naramdaman mo sa iyong true love.
16 comments Marso 5, 2009
Über sa Kilig Love Quotes
Listen to this song: Secret Garden by Bruce Springteen
Uy! Five days na lang pala at heart’s day na. Mabenta na naman ang love notes, e-cards [naks! hi-tech!], bouquet of flowers, at sokoleyts ngayon. At shempre pa, dapat may sweetness ang mga messages para lalong mainlab ang pagbibigyan mo. Magpapahuli ba ang mga quotes na pinasikat ng mga peborit movies natin? Of course not! Kaya nga eto at ikinolekta kita para naman may maisingit ka kahit pano sa message mo para kay honey, ‘leng, swithart, bebe, ma/pa, o kahit ano pa ang tawag mo sa kanya. He-he-he! Take a look…
12 comments Pebrero 10, 2009
When The Right One Comes Along…
Lips Of An Angel by Hinder
Mahal ko siya but I’m already committed. Kung dumating lang sana agad siya…
Dahil love month pa rin, gusto ko munang abusuhin [tulad ni superG at dylan] ang buwan na ito at mag-post ng mga kuwentong pag-ibig – fiction man o true-to-life. Sa pagba-blog hopping ko kasi at pakikipag-bonding sa mga kikay friends ko ay maraming istorya na rin akong nasagap. Tulad din ng ibang mga kakosa natin dito sa blogosphere, madalas na rin akong hingan ng opinyon at payo sa mga bagay-bagay about love. Kung minsan nga, gusto ko na nga humingi ng consultation fee. Aba! Mahirap din yata mag-isip at magbigay ng mga straight na payo ha. Minsan mapapaisip ka pa kung ang mga payo na ‘yun ay naa-apply mo sa personal mong buhay. Tulad na lang ng topic ko ngayon. Third Party.
8 comments Pebrero 8, 2009
single and available
Listen to this song:
It’s Only Life by Kate Voegele
Base sa aking Valentine’s day countdown, 9 days na lang pala at balentaym na. May ka-date ka na ba? O isa ka rin sa mga malalamig ang araw ng mga puso? Hays. Di ko na halos napansin ang paglipas ng mga araw. Dito kasi sa Singapore eh parang balentayn araw-araw. Laging sweet ang mga tao; palaging may laplapan! Keber kung nasa public or intimate space [ayan may nakuha akong bagong terms. tenks kay pajay na nasulyapan ko habang nagba-blog hopping ako] sila basta makapaglambing lang ayos na.
Kung isa kang single at never pang nagka-boyfriend [pero gustong magka-bf], malamang maitatanong mo sa sarili kung bakit dapat pang i-celebrate ang Valentine taun-taon? Kung tutuusin kahit anong araw naman ay pwedeng i-celebrate ng mga lovers ang kanilang moments of love. Di na kailangan magtalaga pa ng espesyal na araw para dito. Parang lalo ka lang tuloy binubuweltahan ng okasyon na ito sa kawalan mo ng pagkakataon na makahanap ng jowa. Kulang na lang ay isopla sa mukha mo ang malaking sign na “HALER! VALENTINE NA, SINGLE KA PA RIN“. Owenoh naman?! Porke ba wala kang boylet/gurlet ay wala ka nang karapatang mag-celebrate ng Valentine’s day? Kailangan bang ganun ang panuntunan to have a perfect Valentine’s day? Aba aba aba! Ang sagot ko dyan ay isang bonggang-bonggang I OBJECT!!!

14 comments Pebrero 6, 2009







