Posts filed under 'OFW'
Untitled
Nakakalungkot isipin na minsan kung sino pa yung kapwa mo Pinoy, kung sino pa ang tunay na kalahi; sila pa yung unang maninira at sisira sa iyo.
Pasensya na po kung nawawala na naman ako sa sirkulasyon. Nakakuha po ako ng isang part-time job na siyang pinagkakaabalahan ko ngayon. At ngayon ay siyang sanhi rin ng sama ng loob para sa isang kapwa natin Pilipino.
Pagbigyan niyo na ako kung dito ko nailabas ang aking saloobin. Alam ko naman na marami pa rin ang handang makinig sa aking mga hinaing. Hindi ko na ii-elaborate ang mga pangyayari dahil masakit pa rin sa akin na matapos kong ituring na kaibigan at gawan ng kabutihan, siya pa pala ang agilang dadagit sa akin. Pero ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang ganitong mga kuwento. Akala ko ay kathang-isip lamang ng ilan sa mga kaibigang OFW.
Nakakasama ng loob. Sana ay hindi danasin ng iba pang OFW mula sa kapwa Filipino.
19 comments Disyembre 15, 2009
Confession Of A Homesick Heart
I believe that life is neither predictable nor uninteresting. I know there’s more to it than meets the eye but lately I feel a bit eccentric – an erratic mixture of glum and glee – towards the colorless yet expensive lifestyle of Singapore.
Continue Reading 35 comments Nobyembre 16, 2009
Alone Again Naturally
Nakakalungkot… I will be alone again
Continue Reading 14 comments Hulyo 13, 2009
Bayani? o Bayani.
Hindi karangalan na matawag na “bagong bayani” ng ating bansa. Wala rin namang ipinagkaiba ang pagtingin sa kanila. Pantay-pantay lang ang trato pagdating sa Pinas. Walang bulaklak na isinasabit sa leeg at walang bandang sumasalubong na gaya ng kay Pacquiao. Mabuti pa nga si Pacquiao, animo’y isang santo kung iparada sa lansangan. Ngunit ang mga OFW na kumakayod ng husto upang itaas ang antas ng pagtingin sa Pilipinas kapalit ang kaunting kinikita, hindi man lamang matapunan ng pansin.
Continue Reading 64 comments Hunyo 6, 2009







