Posts filed under 'Angst'
Untitled
Nakakalungkot isipin na minsan kung sino pa yung kapwa mo Pinoy, kung sino pa ang tunay na kalahi; sila pa yung unang maninira at sisira sa iyo.
Pasensya na po kung nawawala na naman ako sa sirkulasyon. Nakakuha po ako ng isang part-time job na siyang pinagkakaabalahan ko ngayon. At ngayon ay siyang sanhi rin ng sama ng loob para sa isang kapwa natin Pilipino.
Pagbigyan niyo na ako kung dito ko nailabas ang aking saloobin. Alam ko naman na marami pa rin ang handang makinig sa aking mga hinaing. Hindi ko na ii-elaborate ang mga pangyayari dahil masakit pa rin sa akin na matapos kong ituring na kaibigan at gawan ng kabutihan, siya pa pala ang agilang dadagit sa akin. Pero ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang ganitong mga kuwento. Akala ko ay kathang-isip lamang ng ilan sa mga kaibigang OFW.
Nakakasama ng loob. Sana ay hindi danasin ng iba pang OFW mula sa kapwa Filipino.
18 comments Disyembre 15, 2009
To blog or not to blog?
Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman.
Continue Reading 26 comments Mayo 8, 2009
A Silent Rant
Maraming bagay ang nangyari sa akin these past days. Muling nagulo ang aking pag-iisip at muling sinubukan ang tibay ng aming dibdib. Friendship was again tested.
Continue Reading 20 comments Abril 23, 2009
Repost: CROSSROAD
More than any other time in history, mankind faces a crossroads. One path leads to despair and utter hopelessness. The other, to total extinction. Let us pray we have the wisdom to choose correctly.
Continue Reading 7 comments Abril 22, 2009
Repost: Kontrabida
It really doesn’t matter whether it’s the villain or the hero. Sometimes the villain is the most colorful. But I prefer a part where you don’t know what he is until the end.
~ Glenn Ford
Continue Reading 16 comments Abril 20, 2009
a sketch of true self

I prefer drawing than talking. Drawing is faster, and leaves less room for lies.
Author – Le Corbusier
Ang plano ko sana ay lumiban muna sa pagsulat ngayong araw na ito. Mabigat pa rin kasi ang aking nararamdaman patungkol sa maraming bagay. Naglibot-libot ako sa blogosperyo sa pag-asang makakahanap ako ng pansamantalang karamay sa nararamdam ko. Umaasa rin ako na baka makatisod ako ng isang masayang blog na magbabalik ng aking saya kahit sandali lang pero nabigo ako. Hindi ko alam kung bilog ba ang buwan at damay-damay ang pagiging emosyonal ng mga blogero ngayon. Hindi ako makapag-komento dahil alam kong wala rin naman akong matinong masasabi. Mas lalong mahirap ang magpaka-ipokrita that everything is fine and I’m capable of giving good advices or sharing inspiring words. Until I stumbled upon Dylan’s.
Magaling akong magtago ng totoong nararamdaman ko na sa tingin ko ay hindi magandang gawain ng matinong tao. I can easily fake my smile, my laughter. But deep inside I’m bleeding. Kung minsan matigas pa rin talaga ang ulo ko, pero napapansin kong parang mas matigas pa ang puso ko. Kung minsan, parang feeling ko nawawala pa. – excerpt from Dylan’s blog, “Untitled”
Malakas ang tama sa akin nung sinabi niya. Kasi akung-ako ‘yun. Simula ng mag-teenager ako, natutunan ko nang itago sa tao ang tunay na nararamdaman ko. Magaling akong artisa. Kaya kong paikutin ang nasa paligid ko ayon sa gusto kong mangyari. Madalang akong maglahad ng problema at kung mangyari man ‘yun ay mabibilang ko lang sa daliri, at mabibilang ko lang rin ang mga taong sinasabihan ko. I don’t often get a pat on the back, ’cause most of the time, ako ang nagbibigay nun sa kanila. Aaminin ko na, I find it hard to heed other people’s advice pero di naman laging ganun. Opinionated kasi akong tao. May sariling paniniwala. Sabi nga nila, matigas ang ulo ko na kahit yata adobe ang ipukpok ay mauuna pang madurog ang adobe sa tigas ng bungo ko. Magaling pa rin akong artista hanggang ngayon. Yet this time, it’s more dramatic.
sa totoo lang, nakaka-overwhelm yung comments ninyong lahat. suddenly na-realise ko na naging harsh ako sa sitwasyon. bugso ng damdamin at sa paghahangad na mailabas ko ang nararamdaman ko sa paraang alam ko. sa paraang malaya at walang takot na baka matapos ang paghahayag ay kalimutan at iwanan ako ng kapwa ko blogger o kung sino man ang makakabasa nito.
Ito ang reply ko kay Mike Avenue sa kanyang naging komento. This is the only way I know to unload my burdens, through blogging. Dahil dito lang ako malayang makakapaghayag ng saloobin ko ng walang halong pagkukunwari. Sa ganitong paraan lang ako hindi artista.
Ilang ulit kong pinakinggan ang profile music ni Dylan habang malayang bumabagsak ang luha sa mga mata ko. I let myself drown in tears. I cried like I’ve never cried before.
Give me your hand to hold
‘Cause I can’t stand to love alone
And love alone is not enough to hold us up
We’ve got to touch your robe
So swing your robe down low
Swing your robe down low
Pagkalipas ng sampung taon, nagawa ko ulit gumuhit. Wala pang ilang minuto ay natapos ko agad ang isang sketch na naglalarawan ng nararamdaman ko ngayon.

19 comments Pebrero 26, 2009
Hindi Ako Astig

Ang hirap talagang magpakasaya sa mga panahong dinadaluyong ng bagyo ang buhay mo. Pinipilit kong tumawa at ipagwalang-bahala ang ilang mga problema sa buhay ko ngayon pero para yatang nanadya ang tadhana at pilit sinusubukan ang tigas ng mukha ko. Minsan iniisip ko tuloy, ano bang meron ako at trip na trip akong paglaruan ng panahon? Tingin ba niya ay isa akong Super Woman na kayang pantayan maging ang lakas ni Super G? Mahina rin ako. Walang matibay na lakas. Isinusuko rin ako ng sarili kong katinuan.
22 comments Pebrero 24, 2009
Lito…
Bakit kaya ganun? May mga bagay kang gustung-gusto mong gawin pero hindi mo maituloy? Palaging andaming factor na pumipigil. Kahit na sa sarili mo ang tingin mo ay iyon ang tama at nararapat gawin, pagdating sa iba, maling-mali pa rin. Sige na nga, mali na kung mali. Pero pano mo mapapatunayang ikaw ang tama kung hindi ka naman bibigyan ng pagkakataon na patunayan ito?
Ang dami nang nasasayang na oras sa pagpapaliban ng mga plano. Ang dami na ring nasasayang na oportunidad. Kelan pa ang tamang panahon? Baka sa wala na lang mapunta ang lahat…

4 comments Pebrero 21, 2009
B.r.o.k.e.n
Broken by Lindsay Haun

Hindi ko sana feel na magpaka-emo ngayon dahil ipinangako ko sa sarili ko na iiwasan kong maging malungkot sa site na ito hanggat maaari. Iiwasan pero sadyang hindi maiwasan. And a promise is made to be broken…
Ang dami kasing tanong na “bakit” sa buhay ko ngayon. Minsan kahit alam ko na ang sagot, ang hirap pa rin ibulalas ng bibig. Alam ko kasing mas lalong masasaktan ang mga taong nasasaktan ko na ngayon. Melancholic ang mood ko ngayon… meaning, even if I watch a good or a funny movie, I might not laugh about how the story goes but on how stupid my life is. Before, when something like this occurs to me, tsokolate lang ang katapat because it’s a good antidepressant. Pero sandamukal na tsokolate na nakain ko, I still feel that my life sucks (for now), broken and chained in an undying heartache.
I wish someday, somehow, I’ll find the strength to set my self free.
6 comments Pebrero 15, 2009







