Posts filed under 'Galing ng Pinoy'
Bayani? o Bayani.
Hindi karangalan na matawag na “bagong bayani” ng ating bansa. Wala rin namang ipinagkaiba ang pagtingin sa kanila. Pantay-pantay lang ang trato pagdating sa Pinas. Walang bulaklak na isinasabit sa leeg at walang bandang sumasalubong na gaya ng kay Pacquiao. Mabuti pa nga si Pacquiao, animo’y isang santo kung iparada sa lansangan. Ngunit ang mga OFW na kumakayod ng husto upang itaas ang antas ng pagtingin sa Pilipinas kapalit ang kaunting kinikita, hindi man lamang matapunan ng pansin.
Continue Reading 64 comments Hunyo 6, 2009
Saludo ako sa’yo!
Sa nakaraang isang oras ay nanahimik na naman ang mundo. Bumaba na naman ang crime rate sa Pinas at nabuhay na naman ang dugo ng mga Pilipino at mga panatiko. Dahil sa muling pagkakataon ay nagpugay na naman ang buong mundo sa pagkakawagi ng nag-iisang Pambansang Kamao, MANNY PAQUIAO!

*Background photo by ~rrekz of Deviant Art dot com
35 comments Mayo 3, 2009







