Posts filed under 'Blog'
Unos
Nitong nakalipas na linggo ay sinamantala ng panahon ang kahinaan ng ating bansang Pilipinas. Iginupo ng matinding ulan ang buong bayan ng Rizal at Marikina, at niragasa ang ilan pang mga siyudad sa kalakhang Maynila. Marami ang nawalan ng tirahan. Marami rin ang nawalan ng buhay. Ngunit higit na marami ang habambuhay nang dadalhin ang matinding takot at pangamba na dinanas sa lupit ng bagyong Ondoy.
29 comments Oktubre 2, 2009
May Inspirasyon Ka Ba?
I Believe
Fantasia
♪ I believe in the impossible
If I reach deep within my heart
Overcome any obstacle
Won’t let this dream fall apart ♪
Good day everyone!! Ako po si Joycee galing sa joyceish.com at narito po ako para aliwin kayo habang si Ate Enjoy ay naaaliw sa Facebook. Isa lamang po sya sa napakadaming bloggers na nawawala sa ating mundo dahil naaliw sa Facebook.
Pero Facebook o Tumblr nga ba ang dahilan baket nawawala ang mga bloggers??
I am pretty sure that every blogger has experienced this.
You want to create a new blog post dahil medyo madami-dami na ang comments sa last post mo, ilang araw na din naman ang nakalipas kaya sa tingen mo, it’s time to publish a new post. You already have an idea what to post, you type some words, backspace, type ulet, bura… arghhhhhhhhhh! In the middle of the post, you run out of words, so nagdecide ka na wag nalang magpost.
Matanong nga kita, what inspires you to blog??? What’s driving you to write?? Kung ako ang tatanungin, madame akong masasabi, madame akong maisasagot pero syempre hindi ibig sabihin nyan eh lagi akong may maisusulat.
So ngayon, ipapakilala ko sa sila sa inyo, the people who inspire me to blog.
65 comments Agosto 20, 2009







