A Piece of Keyk
Listen to Always Love by Nada Surf
Bawat tao ay may goal sa mundo. Hindi ka inire para basta lamang maging tao. Di ka nabuo para maging bata at maglaro, at kalauna’y tumanda at mag-ulyanin. May dahilan ang nasa Itaas kung bakit ka Niya in-exile dito sa earth. Buo man ang parte ng iyong katawan o kulang-kulang; matino ka man o may tama, may purpose kung bakit andito ka ngayon at nagsisikap na magtagal pa. Kasi anumang bagay na nag-exist at nag-eexist sa mundo ay binigyan ng pagkakataon para patunayan ang kakayahan at kahalagan kaya walang dahilan para ito sumuko at sumigaw ng nag-uumigting na “Ayoko na!“.
A piece of keyk. Isang expression na nag-originate sa Royal Air Force noong late 1930s para sa isang mission na madaling na-accomplish. Unang ginawang reference ang “easy as a pie” na posibleng ginawang batayan ang walang kahirap-hirap na pagsubo ng isang slice ng sweet dessert. Isang expression na nagde-describe na anumang pagsubok o problema sa buhay ay madaling lusutan kung buo ang paniniwala sa kakayahan at puno ng determinasyon ang puso.

Eh bakit mali ang spelling ng cake mo?
Ito ba kamo ang tanong mo? Aba siempre! Dapat may variation. Tulad ng cake na napakaraming flavors, at kape na napakaraming aroma, ang life santambak din ang flavors at aroma. Nasa iyo na lang kung alin doon ang una mong titikman at lalasapin. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo man gusto ang lasa, sa bandang huli ay magagawa mo pa rin ngumiti o tumawa. Kagaya ko na mukha pa ring nag-eenjoy sa kabila ng mga pagsubok.
Mga ka-blog, katoto, kachikahan, kasama sa kapehan, at mga bros, WELCOME SA AKING BAGONG BAHAY!
Sana ay maging maganda ang maging simula ng ating taon at nawa’y humaba pa ang ating maging pagsasama dito sa aking bagong mundo. Maigsi lang ang panahon para magmukmok at palipasin ang bawat pagkakataon. Kaya kung ako s’yo, kindatan mo lang at ngitian ang life. After all, LIFE IS just A PIECE OF KEYK!
See you around!
4 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
1.
Gaya-Gaya, Puto Maya « Life Is A Piece Of Keyk | Setyembre 9, 2009 at 1:33 Hapon
[...] A Piece of Keyk [...]
2.
ken | Hunyo 15, 2009 at 3:52 Hapon
yes
3.
Ax | Abril 27, 2009 at 8:43 Hapon
i wonder what cake? do you think its a chocolate mousse cake or an ube crumbs cake or a screaming orgasm cake or a mooncake decorated in mallows rain or an angel food cake?
how easily can one make a cake? ow, if it’s me, probably it will take me six months to learn how to bake one..! so why is it a “a piece of cake?” if in fact, it is really hard?
keyk is nicely spelt for something sweet.
for something spicy, spelt it as me!
4.
mangbadoy | Pebrero 26, 2009 at 8:02 Hapon
ang sarap ng cake…. hmmm!