My Super Friends
Hulyo 16, 2009
Masarap talaga ang magkaroon ng mga kaibigan na makakausap mo sa mga panahong nalulungkot ka. ‘Yung magpapasakit ng tiyan mo sa kakatawa dahil sa kanilang kakulitan, ‘yung kakamustahin ang araw mo at bibigyan ka ng mga advices kung ano ang mga dapat gawin para ‘wag malungkot. Mga kaibigan na dadamayan ka sa paraang alam at kaya nila. Kaya naman salamat at kahit medyo madalang ang pagsulpot ko dito sa blogosperyo ay may matiyaga pa ring dumadamay sa aking pag-iisa. At hindi lamang kayo ang aking naging karamay ngayon na wala si Gard. Sa post na ito ay ipakikilala ko sa inyo ang aking bagong Supah Friends. Sina Chiqui at Pinky, plus my old buddy, Macky.
Unahin natin si Macky.
Matagal ko ng kaibigan si Macky. Almost a year na rin pala kaming magkakilala. Siya ang madalas kong kasama sa mga oras na wala akong magawa. Lalo na kapag naghahanap ako ng kakuwentuhan o nagpapalipas ng oras sa pagba-blog. Siya rin ang kasa-kasama ko sa paghahanap ng work. Sobrang professional ang dating niya kaya siguro noong una ay nahirapan akong pakibagayan siya. But as days pass by, unti-unti naming nakilala ang isa’t isa at kung ano ang mga limitations namin. Ngayon, gamay na gamay na namin ang bawat isa. I’m so comfortable being with him because I know we share a lot in common. We’re both techie, we like to entertain people and make them happy, and siempre friendly.
Next is my new friend, Chiqui. I met her only last July 7, dahil kay Gard. Kung hindi niya ako inaya sa IT show para i-renew ang aming internet subscription, hindi ko siguro siya makikilala. Bagay sa kanya yung name nia because she’s really chic. I just don’t like her skin color. Sobra siyang maputi. Feeling ko, madikit lang ako sa kanya, magsisilbi na akong mantsa sa balat niya. Naman di ba! But what I like about her is that she’s easy to get along with. Hindi mahirap pakisamahan, hindi kumplikado ang buhay. Siya ang madalas kong kausap sa gabi habang nagpapaantok. Isang kalabit ko lang dun, ay sus umaarangkada na agad ang energy. Full charged palagi. Katulad ngayon, panalo na naman sa energy habang ginagawa ko ang entry na ito. Dependable talaga ang lola ko.
Last but not least, my so cutie friend, Pinky.
Ironically, she doesn’t like pink. Red ang peborit color niya. Pero bagay din sa kanya yung name niya dahil parang babaeng-babaeng ang dating and because she likes red, she’s also passionate. We both love to take pictures and capture special moments. She’s trendy at talagang swak kami sa isa’t isa. Malamang madalas ko syang makakasama sa mga lakwatsahan. Siya ang magiging official photographer ko dahil adik din sa picture-picture ‘yun eh. But she’ll also be my worst critic when it comes to photography
. Gusto kasi nun laging picture perfect. Eh kung ako ba naman ang subject, paano pa magiging picture perfect yun?
Naiintriga na kayo noh? Gusto niyo na ba silang makilala? Sya, hindi ko na patatagalin ang inyong pagkainip dahil eto na po sila… my ever dependable super friends – Macky, Chiqui and Pinky
My iMac MACKY

Chiqui, my 10″ Lenovo Netpad
Pinky, my red-hot Sony Cybershot
Hindi ako gaanong mahilig sa gadgets, but I’m so blessed to have them. Thanks to Gard
O di ba, ang cool nila? Sweet!
Entry Filed under: Anything Goes, Buhay SG, ENJOY, Sweet. Mga Marka: gadgets, Sweet.
56 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed








1.
AC | Agosto 4, 2009 at 11:17 Umaga
hoy ate! update update! wahahaha! adik sa fesbuk!
2.
enjoy | Agosto 10, 2009 at 11:09 Hapon
ssshhh… wag ka maingay ate. hindi pa rin gumagana ang mga brain cells ko kaya hiatus mode pa rin ako.
3.
Fr. Felmar Castrodes Fiel, svd | Agosto 3, 2009 at 3:52 Hapon
wow, pareho tayo ng theme…
4.
enjoy | Agosto 10, 2009 at 11:26 Hapon
Hi Fr. Felmar! Salamat po sa inyong pagdaan.Totoo bang isa kang pari? Nasilip kasi ako sa iyong bahay at medyo may kakulitan yung picture mo dun. Hehehe!
Saka na lang ako dadaan ulit sa bahay mo Fr. Sa ngayon, salamat muli sa pagbisita sa aking bahay…
God bless po
5.
dubaigirlblogger | Agosto 2, 2009 at 9:51 Hapon
Hello enjoy, thanks for your help about my widgets, ang hirap nga mag add ng mga widgets unlike sa blogspot but since natutuhan ko rin nman finally kung papano ko malalagyan ng mga ids yung site ok na rin. i like your post i keep coming back can i add you in my blogroll? thanks
6.
enjoy | Agosto 10, 2009 at 11:21 Hapon
No worries po. My pleasure to be of help
Add me up anytime
7.
Nortehanon | Hulyo 31, 2009 at 4:32 Hapon
Hi Enjoy!
Just dropping in to say hi and to wish you great things today. Hoping all is well.
8.
enjoy | Agosto 10, 2009 at 11:19 Hapon
Ok lang naman ako Miss N. Medyo tulog lang ang brain cells kaya di nakakapagsulat at di rin nakakadalaw. Hiatus mode lang muna pero sisilip-silip pa rin
Salamat sa pagdalaw ulit Miss N. Good luck pa rin sa iyong advocacy
9.
nicki | Hulyo 31, 2009 at 3:51 Hapon
wow.. azteg nmn nyan.. hehe,
10.
enjoy | Agosto 10, 2009 at 11:15 Hapon
salamat po!
thanks for dropping by
11.
sandi | Hulyo 30, 2009 at 8:18 Hapon
haha.. akala ko sino yung mga techie gadgets pala na nakatira sa justice league
12.
enjoy | Agosto 10, 2009 at 11:17 Hapon
hahaha! ok yan sandi ah. kaso wala na sila sa justice league. dun na sila sa bahay ko nakatira
13.
A-Z-E-L | Hulyo 25, 2009 at 1:45 Hapon
a new blogger using wordpress is asking how to put those badges in your sidebar…
can you help…
http://dubaigirlblogger.wordpress.com/
here’s her link… pag di ka busy pakipasyalan at pakibigyan na lang ng message on how to. she is also a member of Kablogs Station…
salamat enjoy.. sensya na.. wala kase akong idea pano gawin un sa wordpress….
14.
enjoy | Hulyo 26, 2009 at 6:11 Hapon
ok po…. no problem
15.
Mars | Hulyo 24, 2009 at 4:42 Hapon
di ka pala mahilig e, pamigay mo na lang kaya sa akin
16.
enjoy | Hulyo 27, 2009 at 7:19 Umaga
Naku, mukhang mahirap yatang ipamigay ang aking “super friends”. Matapat naman silang kaibigan at di pa sumisira sa mga usapan. Ikaw ba, magagawa mong ipamigay ang iyong kaibigan?
Salamat sa pagdaan Mars!
17.
Eli | Hulyo 28, 2009 at 9:13 Hapon
Wow, sila pala ang mga frends mo!
Kung ayaw mo ipamigay baka pwde mahiram.hehe … Nadalaw lang po.musta na?
18.
enjoy | Hulyo 29, 2009 at 8:30 Umaga
uy, naligaw ka? ikaw na ba talaga yan eli? nagbalik ka na ba? ang dami mong housemates, iba-iba nakikita ko dun sa bahay mo eh. hehehe
ako naman po ay mabuti. medyo busy-bisihan lang sa ibang bagay kaya madalang na rin mahagilap dito. pwedeng-pwede mong mahiram ang mga friends ko, kung may pagkakataon lang. hahaha! salamat po sa pagdalaw and God bless
19.
The Lady in Green Ruffles | Hulyo 24, 2009 at 11:29 Umaga
and you are? techie? hehe
20.
enjoy | Hulyo 24, 2009 at 3:15 Hapon
young techie… hehehe!
cute ng commercial na yun. nakakatuwa
21.
The Lady in Green Ruffles | Hulyo 25, 2009 at 6:41 Umaga
hehe..onga..ayos un!
thanx 4 visiting my site!
22.
Ax | Hulyo 24, 2009 at 9:34 Umaga
pakilala mo nga ako kay Macky! hehe.
23.
enjoy | Hulyo 24, 2009 at 11:10 Umaga
Oo bah! Hamo at pag nagkita tayo Ax. Sa ngayon, dyan mo na lang muna siya kilalanin sa pic