Archive for Mayo, 2009

A Not So “New Look”

Every house where love abides
And friendship is a guest,
Is surely home, and home sweet home
For there the heart can rest.
~Henry Van Dyke

Continue Reading 11 comments Mayo 28, 2009

Simpleng Kumplikado

Huwag kang matakot na sumugal at mangarap. Huwag mong hayaan na mawala ang pag-asa sa iyong puso. Sa mundong kumplikado pero pinipilit na maging simple, ang mahalaga, may paniniwala ka sa “tamang panahon” at biyaya ng Lumikha… because when it rains, it pours.

Continue Reading 34 comments Mayo 18, 2009

Sisters

Pasensya na po sa paudlot-udlot na pagsibita ko sa inyong mga bahay. Ako po ay kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa paghahanap ng trabaho dahil masyado na akong pine-pressure ni Gard. Buti na lang, I’m flexible and I can handle pressure. If my abilities meet the need :)

Salamat po sa lahat ng mga bumati sa akin noong nakaraang Mother’s Day. Yes, oo, affirmative. Ako po ay isa ng Nanay, Mama, Inang, Mummie. And I’m a proud mother of two pretty girls like me. Marahil ay nagtataka kayo kung baka hindi ko man lamang sila naikukuwento. Tulad ni Gard ay pinili ko rin na ‘wag muna silang banggitin dito dahil sa personal na kadahilanan. Pero ngayon ay kukuwentuhan ko na kayo tungkol sa aking future beauty queens. Mayo pa naman so ito ay buwan pa rin ng mga ina kaya kuwentong nanay muna ulit tayo. :D

Maikokonsidera pa ring bata ang aking edad ng ako ay maging mommy (21 lamang ako noon). Aksidente pero ito ang pinakamagandang aksidenteng nangyari sa akin. Year 1996 ng isang munting prinsesa ang dumating sa buhay namin ni Gard na nagpaikot ng husto sa aming mundo. Bata pa kami noon at parehong walang alam sa buhay pero si “Ate” ang nagpatatag sa bonding namin. She’s a shy little girl pero sobrang appreciative. Kahit maliit na bagay na ibinigay o ginawa mo para sa kanya, maa-appreciate niya ng bonggang-bongga. Then “Bunso” came. Ate was very protective of her. Hangga’t maaari nga ay ayaw niya itong pahawakan sa hindi niya kilala. She would always kiss and embrace her little sis na nakatutuwang pagmasdan. ‘Though medyo na-outgrow na ni Ate ang pagiging protective at affectionate kay Bunso, marami pa rin silang lambingan moments.

Modesty aside but my Ate and Bunso are pretty in their own ways. Naalala ko pa noong magsimula silang mag-aral. Madalas ikuwento ng teachers nila ‘yung mga estudyanteng lalaki na may crushes sa dalawa. How one student fought with his classmate para lamang makatabi sa upuan si Bunso. Kilala sila sa buong pre-school department. At maging sa buong grade school department noong tumuntong sila ng grade school. Sabagay, maliit na private school lang naman ‘yun kaya madali rin maging popular. And both at the age of 7, nagkaroon na sila ng suitors! Hindi ako OA na nanay pero I make sure na realistic pa rin ako kaya madalas ko silang kinakausap tungkol sa ganitong issue. Gusto ko rin naman kasing ma-experience nila ang kilig without having the fear na baka mapagalitan sila. So at the age of 7, sinabihan ko na si Ate na dalhin sa bahay ang suitor niya :)

They’re both charming and brainy. Si Ate, madalas na kasama sa top students while Bunso is trying hard to excel too. Talagang “hard” dahil nadi-disappoint siya kapag hindi siya napapasama sa top 3 ng klase nila. Active din sila sa extra-curricular activities. Ate played volleyball at si Bunso naman ay basketball. Opo, babae po sila. Lagi rin silang kasali sa mga school programs. They both sing and dance. Si Bunso nga ay nanalo pa sa on-the-spot dancing contest kung saan ay tinanghal siyang Little Miss Bambini.

Pero hindi madaling maging nanay sa dalawang magkaibang personalidad. Kahit kasi pantay ang ipinaparamdam naming pagmamahal sa kanila, may isang pa rin nagseselos… nagtatampo. Mayroong mahirap pakiusapan… mayroon din namang nagdudunung-dunungan. Pero sa kabila ng kanilang mga flaws, walang UNA  sa pagmamahal at walang SECOND BEST. Sinisiguro namin na anuman ang hindi pagkakaunawaan between them at maging ang mga tampo nila sa amin ni Gard ay agad na naiko-communicate. Lalo na ngayon na nasa adolescent stage na si Ate. Natuto na kami ni Gard mula sa mga experience namin sa aming mga magulang. Pareho kasing hindi communicative ang parents namin kaya kahit na nandito kami at sila ay nasa Pinas pa, madalas pa rin kaming mag-usap at mag-chat.:)

Alam ko na mahaba pa ang bubunuhin ko sa pagpapalaki kay Ate at Bunso. Sana ay maging successful ako. Buti na lang at madaling makihalubilo at sakyan ang kanilang ugali at kakulitan dahil halos para lang kaming magkakapatid. (‘wag na kayong umangal… hehehe) At excited na ako dahil malapit nang dumating ang araw na magkakasama-sama na ulit kami :)

22 comments Mayo 14, 2009

It’s Too Damn Late

But it’s too late. It’s too damn late.

Continue Reading 13 comments Mayo 11, 2009

To blog or not to blog?

Natutuwa ako dahil isa siyang persistent friend and she’s concerned about my future. But this time, alam kong wala na siyang karapatang panghimasukan ang mga interest ko sa buhay. Gaya ng hindi ko panghihimasok sa mga ginagawa niyang “kalokohan”. Ngunit hindi ko ito nagawang sabihin sa kanya dahil naging sensitibo pa rin ako sa kanyang maaring maramdaman.

Continue Reading 26 comments Mayo 8, 2009

Tustadong Utak

Naglipana ang mga ganitong tao sa mundo. They don’t watch their actions and they don’t even care kung nakakasakit man sila. As long as they are happy with what they’re doing and they think that they will benefit from it, what do they care?!

Continue Reading 18 comments Mayo 7, 2009

Saludo ako sa’yo!

Sa nakaraang isang oras ay nanahimik na naman ang mundo. Bumaba na naman ang crime rate sa Pinas at nabuhay na naman ang dugo ng mga Pilipino at mga panatiko. Dahil sa muling pagkakataon ay nagpugay na naman ang buong mundo sa pagkakawagi ng nag-iisang Pambansang Kamao, MANNY PAQUIAO!

mannypacquiao

 

 

*Background photo by ~rrekz of Deviant Art dot com

35 comments Mayo 3, 2009


I Heart KaBlogs!






Please read "BAYANI? O BAYANI?", my official entry to PEBA 2009 Pinoy Expats/OFW Bloggers Award. If you feel that this entry deserves to win, please click here and vote for me. Otherwise, please find time reading the entries of the other nominees and vote for your choice.
Thank you in advance!

• the metaphor of life •

"Life for me has been exactly what I thought it would be, a cake, which I have eaten and had too."


~ Margaret Anderson

• freshly baked goodies •

Ano’ng petsa na?

Mayo 2009
L M M H B S L
« Abr   Hun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

• desserts for free •

• categories •

☛ a penny for your thoughts

✫ you got me! ✫

  • 11,365 naki-dessert mula 29/01/09

✫ welcome world! ✫

free counters

✫ cheeky chicklets ✫

no more spam Ü

in or out?