Archive for Marso, 2009

Facing My Own Tragedy

Every human being on this earth is born with a tragedy, and it isn’t original sin. He’s born with the tragedy that he has to grow up…a lot of people don’t have the courage to do it.

- Helen Hayes

birthday_by_stupidstan

Thank you LORD for another year of hardships and struggles;

for another year of heartaches and failures…

It’s quite a rough journey but I’ve never been better.

*****

It’s time to face my own tragedy.

Sorry for the long delay.

How about you?

chic1

11 comments Marso 31, 2009

Über Amazing Friends

Each friend represents a world in us, a world possibly not born until they arrive, and it is only by this meeting that a new world is born.

I was quite snobbish when I was younger, reason why I had few friends too. Sabi nila, ang hirap ko daw lapitan dahil ang sungit at ang taray ko. I tried to change my attitude when I went to high school. I thought it’s about time for me to mingle with peers and meet new friends, or create a new world with them. Hindi naman ako nabigo. Marami akong nakilala at naging kaibigan. That’s the time I started to realize that friends are brothers and sisters too. That when you show them respect and earn their trust because you revealed to them your true self, you can be great friends. Mga kaibigan na makakasama mo sa iba’t ibang panahon, iba’t ibang pagkakataon at iba’t ibang adbentyurs. Mga kaibigan na masusubukan mo sa panahon ng pangangailangan at kalungkutan; sa panahon ng depresyon na kahit hindi ka magsalita ay alam mong andiyan lagi sa tabi mo at handang makinig. Na kahit nasaan ka man ay hindi ka makakalimutan at mananatili ka sa kanilang isipan.

pravs-j-hold-on-to-friendship

Iba na nga ang mundo ngayon. Masyado nang technical at virtual. Pero sa panahon nang makabagong teknolohiya ay makakatagpo ka pa rin ng maituturing mong “kaibigan” na hindi mo man pisikal na makilala ay alam mong tatanggapin ka dahil sa IKAW ay IKAW. Ito ang aking bagong mundo, ang mundo ng BLOGOSPERYO. At salamat sa inyo na hindi nag-atubiling tanggapin ang isang ENJOY sa inyong sariling bahay at buhay sa kabila nang pagkukubli ng aking pisikal na katauhan.

 

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Dahil dito ay muli na naman akong nakatanggap ng isang award…

uberaward

This blog award is given to sites that:

  • inspire you
  • make you smile and laugh
  • or maybe give amazing information
  • a great read
  • has an amazing design
  • and any other reason you can think of that makes them uber amazing!

I would like to thank Super Gulaman for this prestigious Über Award, for acknowledging my presence in this industry, and for believing in me and in my talent. Thank you to all my blogger and non-blogger friends and to my supporters. Thank you to my family for the inspiration, and to the God above for not giving up on me…

To my sponsor, UK2 and Aling Paz for my hair and make-up… many thanks.

To everybody and to the creator of this award… aylabyah ol!

May rule din ang award na ito tulad ng…

* Copy the badge and put the logo on your blog sidebar or post.

  • Nominate at least 5 blogs (can be more) that for you are Uber Amazing!
  • Let them know that they have received this Uber Amazing award by commenting on their blog.
  • Share the love and link to this post and to the person you received your award from.

pero mas pipiliin ko rin na i-award ito sa lahat ng nasa blogroll ko dahil para sa akin, lahat sila ay may kaukulang talento at galing sa iba’t ibang larangan. Walang tulak-kabigin.

Lahat kayo ay sadyang ÜBER AMAZING!

15 comments Marso 29, 2009

Paalam Mario…

Tahimik kong pinagmasdan si Mario. Hapis na ang kanyang payak na mukha. Halatang pagod na sa pagbibigay sa akin ng kasiyahan pero ni katiting ay wala akong narinig na pag-angal galing sa kanya. Gaano katagal na nga ba? Ilang panahon na niya nga ba akong pinagsisilbihan upang maging masaya lamang? Hindi ko inaasahan na darating ako sa punto na pagsasawaan ko na siya; na mawawala na ang dating kasiyahan na naramdaman ko sa piling niya. Siguro dahil dumating na si Charles sa buhay ko. Bagong mukha, batang-bata. Amoy mabango pa. Dapat ba akong matuwa sa dami ng mga nagdaan na sa akin? Pinilit ko namang maging responsable, pero anong magagawa ko kung laging may bagong dumarating? Marupok ba ako?  Siguro oo. Babae kasi ako. Mahina sa tukso, madaling magsawa.

Sa totoo lang naging masaya rin naman ako kay Mario. Naging magaan at maligaya rin naman ang pakiramdam ko sa tuwing ihaharap ko siya sa maraming tao. Nakakatuwa kapag may humihinto para lingunin kami. Gusto kong magyabang dahil alam kong inggit lang sila sa akin. Sa pag-uwi namin sa bahay, pagod man ako sa mahabang paglalakbay masaya pa rin ako dahil alam kong kinabukasan ay muli kong makakasama at makakaniig si Mario. Ngunit dumating na nga ang araw na ito.

Sa pagkakataong ito, sana ay mapatawad ako ni Mario. Hindi ko ginustong kalimutan siya at ipagpalit kay Charles. Naging mahina ako sa pang-aakit sa akin ni Charles. Alam ko na kahit iisantabi ko na siya o tuluyan nang kalimutan ay may isang nilalang pa rin na aako sa kanya at magmamahal kahit na sa ganoon niyang kalagayan. Sana ay hindi niya makalimutan na minahal ko rin siya tulad ng pagmamahal na ibibigay ko ngayon kay Charles. Sana ay madinig niya itong aking huling samo…

Patawad sa’yo Mario…D’ Boro. Luma ka na kasi eh, oras na para palitan ng bago. Uy, sensya na ha. Wag kang mag-alala, may kinang ka pa rin naman. May makikinabang pa rin sa’yo. :)

Mabuhay Charles & Keith! Susme! Sa wakas ay matitikman ka na rin ng aking mga paa. Sana ay wag mo akong biguin ha… :)

dsc00264 dsc00265

Huling alaala ni Mario                                        Ang aking si Charles

****

Eto ang aking unang entry para sa LP o Litratong Pinoy. Ang tagal na rin naantala nito. Sa wakas ay natuloy na rin ngayon. At ang tema para sa araw na ito ay… SAPATOS. :D

chic1

11 comments Marso 26, 2009

Sana iba naman…

birthday_cake_by_littlefantasyDi ko namalayan ang paglipas ng araw,

Ilang tulog na lang pala, akin ng karaarawan.

Parang kailan lang nang ako’y magdiwang,

Ngayo’y eto na naman, gusto ko ng mawindang.

***

Ano kaya ang naghihintay sa akin ngayon?

Kasiyahan ba o tulad ng dati na hatid ay lungkot?

Kung pwede sana ngayon ay maiba naman,

Sa bertdey ko, sana ngayon ako naman ay maligayahan.

chic1

6 comments Marso 25, 2009

Isang araw ng Linggo…

Araw dapat ng pahinga ko ngayon. Sa araw na ito mas dapat ay sinusulit ko ang aking oras sa pagpapahinga at pagre-refresh ng aking buong sistema mula sa isang linggong pagtatrabaho. Pero naging imposible ito dahil sa isang importanteng bagay na kung palalampasin ko ay isang malaking “SAYANG”. Biernes nang makatanggap ako ng text mula sa isang kaibigan. May on-going job fair daw at maraming opportunities para sa permanent residents. Hanggang ngayon na lang ang itatagal ng fair [it started Thursday] na ginawa sa convention hall ng Suntec City mall na medyo may kalayuan din sa amin. Maaga akong gumising para maghanda na rin dahil kailangan pang magsimba at magpa-print ng sangkatutak na resume. Aba, dapat maging ready dahil malamang ay maraming employers dun. Oo nga pala, hindi ko naikuwento na hindi ko tinanggap yung permanent position na in-offer sa aking ng current employer ko. Medyo may kababaan kasi ang offer at base sa kalkulasyon ko ay lugi pa rin akong lalabas dahil sa layo ng office location namin. So there, after the mass ay dumiretso na kami sa mall na tambayan ng mga Pinoy, ang Lucky Plaza.

Ang daming Pinoy! Punuan ang mga internet shops sa mall. Day-off kasi ng karamihan at sinasamantala nila ang opportunity na makausap ang mga loved ones nila sa Pinas. Parang nasa Pinas ka na rin dahil kabi-kabila ang mga Filipino restos at grocery. Andyan ang Pampanga at Dagupan Supermart, Baclaran Bazaar, Pinoy Mart at marami pa. Pati mga salons na puro Pinoy gayfriends naman natin ang bida. Nakakatuwa at nakakaalis na rin ng homesick. Pinasok ko ang isang computer shop na punuan na rin, nagbaka-sakali at pinalad naman dahil printing lang ako. Isang kopya, OK na. Pa-photocopy ko na lang….

Enjoy:  Photocopy po, 9 sets…

Manang: Galing ka na ba sa Suntec? Hindi mo na kailangan ng hard copy ng resume mo.

Enjoy: Ngayon pa lang po ako pupunta. Bakit di na po kailangan?

Manang: Kasi online yung application. Bibigyan ka lang nila ng card tapos pwede mo na upload yung resume mo basta may soft copy kang dala.

Ganun?!? Ang high-tech nun ah! Nagdala pa naman ako malaking bag para sa envelope na lalagyan ng resume ko. Di bale, magagamit ko pa ito in the future. Kailangan na magmadali at baka hindi pa ako umabot. Saka na lang kami magla-lunch.

Past 3PM na rin ng dumating kami sa mall. Dumiretso agad kami sa convention hall at nagpa-register. JobsDB pala ang may pakana ng job fair. At tama nga si manang na online ang application basta may JobsDB account ka na. Isang card na may barcode ang binigay sa akin kung saan nakalagay ang membership ID ko at ang gagawin ko lang ay hanapin ang position na gusto kong aplyan, i-scan ang barcode sa card, at i-click ang apply. ‘Yun na! Instant job application in a click. 20 minutes lang ang ibibigay nila sayo para magtagal sa isang computer. Try ka na lang ulit pag nag-expire na ang oras mo. Systematic nga naman kaya hindi gaanong mahaba ang queue. Dapat ay mai-implement din ang ganito sa Pinas para di na kailangan ang maghabang proseso during job fairs. Iilan lang ang naaplayan ko dahil karamihan sa opening ay kung hindi ko man linya, malayo sa akin ang location, mababa ang sahod o di naman kaya ay call center. Sa ngayon kasi, medyo last option ko pa ang pumasok ulit sa call center dahil na rin siguro sa nanawa na ako dati sa Pinas. Pero kinokonsider ko pa rin ‘yun. Pagkatapos sa job fair, isang food and drinks exhibition naman ang nadaan namin. Tamang-tama at gutom na kami. Kinayag ko kasi si Emengard para may kasama ako dahil di ko kakayanin ang high-rise [nyahaha] escalators dun sa mall. Kailangan ko ng alalay pag biglang nanginig ang mga tuhod ko. :D

Emengard: Anong gagawin natin dyan? Nagugutom na ko…

Enjoy: Nagugutom ka kamo di ba? O eh di dyan tayo kakain.

Emengard: Anong pagkain dyan?

Enjoy: Nakikita mo di ba, “Food and Drinks Exhibition”. Eh di malamang maraming food taste dyan…*ngisi*

At siempre pa ay isang masamang tingin ang pinakawalan niya pero wala na rin siyang nagawa. Sa exhibition hall, wala ng registration at siempre tama ako na maraming food taste! Yum… yum! Ok ang exhibit na ito dahil inexpensive na, eh nakakabusog pa. Nyahaha!

Ilan lang naman ang sinubok naming tikman talaga dahil talagang gutom na kami. At eto ang naging lunch namin…

pagkain

…at para sa pamatid-uhaw, isang malamig na sugarcane juice! :)

dsc00021

Isa na namang productive Sunday! :lol:

chic1

6 comments Marso 22, 2009

Special Award for Sisters Ü

Napansin ko na nagiging weekly na lang pala ang pagsusulat ko ng entry ngayon. Dahil nga sa “productive” ako lately, ang nagagawa ko na lang pagdating sa bahay ay bumisita sa “tahanan” ng mga natatangi kong blogmates dahil na rin sa matinding pagod mula sa 1 1/2 hours na travel time ko mula opisina hanggang sa aming bahay. Isa’t kalahating oras na biyahe ng bus at train na suwertihan pa kung makakaupo ako dahil peak hours na ‘nun. Sa loob ng isang linggo, isa o dalawang beses lang ito kung mangyari; kalimitan ay aligaga ako sa pagkalkula ng aking balanse para di matumba sa maalog na biyahe. Isang simpleng reklamo na alam kong hindi na dapat pagtuunan ng pansin. Pasalamat pa nga ako at nagagawa kong bumiyahe dahil may trabaho na ako. *wohoo!*

Sa maghapong pagod, isa sa mga konsuwelo ko ang makapagbasa ng mga interesting blog entries na magpapagising sa mga inaantok ko nang diwa. Hindi man ako makapag-iwan ng komento, alam kong isa sa mga araw ay muli kong babalikan ang entry para muling namnamin ang mainam na pagkakasulat nito – maging ito man ay nakakaTAWA, nakakaTUWA, nakakaLUNGKOT, nakakaTAKOT, nakakaIN LOVE, nakakaIYAK, nakakaGALIT o nakakaTAKOT.

SISTERHOOD AWARD – isang award na natanggap ko mula kay katukayong AC. Geez! Isipin mo yun, isa pala ako sa mga bloggers na nakaka-inspire sa’yo. Super-duper touch naman ako. I feel like crying tuloy [or I'm just too emotional lately? :D ] At siempre dahil “sisterhood” ang name ng award,  for “sisters” only lang ito. :)

sisterhood

*Oh, geez! Look at the icon image… ang socy di ba?* :lol:

At siempre ulit, bawat award ay may rules… kaya eto na ‘yun:

  1. Put the logo on your blog or post.
  2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
  3. Be sure to link to your nominees within your post.
  4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.
  5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

At ipinapasa ko ang award na ito sa mga powerpuff girls sa aking blogroll…

Yanah

Dylan

Kengkay

Nortehanon [alam kong marami nang nag-award sayo nito pero you're really one of those bloggers who inspire me :) ]

Aling Baby

Azel [babae ka ba talaga? nako-confuse ako sa blog name mo. aheks!]

Tina Teentoinks

Jeniffer

Emilayskie

Go, go, girl power! :)

chic4

6 comments Marso 21, 2009

Slightly Productive

Grabe… ang bilis ng panahon. Imaginin mo, nangangalahati na pala ang buwan ng Marso. Halos di ko na namamalayan ang paglipas ng oras ngayon kumpara noon na kulang na lang ay i-advance ko ang ikot ng kamay ng maliit naming orasan para lang matapos na ang araw. Dati ay hindi ko na alam kung saan ko pa posibleng magamit ang mga libreng oras ko. Andyang nalibot ko na ang blogosperyo, nagwalis ng bahay, nag-mop, nagluto, natulog, kumain, nagpatumbling-tumbling at kumain ng bubog [joke!], … pero pagkatapos ng lahat, halos nasa kalahati pa lang pala ako ng isang nakababagot na araw. Ikaw ba naman ang araw-araw na maiwan sa bahay, ewan ko na lang kung di ka pa talaga ma-bored . Pero ngayon, hindi ko na gaanong dama ‘yun. Hindi ko na rin pansin maging ang late na paglubog ng araw dito sa Singapore at ang pagkaipon ng alikabok sa ilalim ng aking kama. Hindi hindi ko na rin alam na bumubuhos ng malakas ang ulan dahil… PRODUCTIVE na ako! Wohoo!

SMY [borrow muna bro. utoy], buntis ka?!?

Continue reading this entry…

11 comments Marso 15, 2009

it is written…

Ngayon ko lang napansin na matagal-tagal ko na rin palang hindi napapraktis ang aking sulat-kamay. Kadalasan kasi ay sa harap ng kompyuter ang mga nakukuha kong trabaho, at kung magsulat man ako ay pawang mga simpleng note lang para sa aking mga kasamahan o di kaya ay isang signature na kailangan para ma-aprub ang isang proposal/ma-authenticate ang budget request form/liquidation form. Dahil techy na mashado ang panahon ngayon, maaaring iilang trabaho na lamang ang nagrerequire ng madalas na pagsusulat. Pati na nga rin ang love letter ay hi-tech na. Kung noon ay pahabaan ng sulat, with matching “sealed with a kiss” at “smile before you open” sa 1st fold ng letter, ngayon ay electronic na rin at tanging computer with keyboard [shempre naman!] plus internet connection lang ang kailangan mo.

Continue reading this entry…

6 comments Marso 8, 2009

People say…

true love never dies…

Do you believe in this? Sabi nila gaano man daw katagal na panahon ang lumipas, marami ng daraan at mangyayari sa buhay mo, pero kahit kelan hindi mo pa rin makakalimutan ang iyong “one true love”. Maaari kang magmahal ng iba, ibibigay mo ang lahat ng iyong makakaya for that relationship to work, pero kailanman hindi nun kayang pantayan ang pagmamahal na ipinadama at naramdaman mo sa iyong true love.

Continue reading this entry…

16 comments Marso 5, 2009

Kamusta naman ang iyong cholesterol?

Bago ko simulan ang blog ko ngayon, nais kong pasalamatan ang mga tao at kapwa ko bloggers na sumuporta, nagdasal, nakiramay at nakisimpatiya sa akin. Sinamahan niyo ako sa aking panandaliang paglalakbay sa kalungkutan at pagluha. You stayed with me in the midst of depression and helped me through.

Kasalukuyan pa rin kaming nakikibaka sa pagsubok ng buhay—ako, ang aking ama, ang aking pamilya. Ano man ang kahinatnan ng pagsubok na ito ay maluwag pa rin naming tatanggapin at haharapin. Tulad nga ng inyong sinabi, walang pagsubok na ibinigay sa atin na hindi kayang lagpasan.

Again, thank you with all my heart.

****************************************************************************************

Continue reading this entry…

14 comments Marso 1, 2009


I Heart KaBlogs!






Please read "BAYANI? O BAYANI?", my official entry to PEBA 2009 Pinoy Expats/OFW Bloggers Award. If you feel that this entry deserves to win, please click here and vote for me. Otherwise, please find time reading the entries of the other nominees and vote for your choice.
Thank you in advance!

• the metaphor of life •

"Life for me has been exactly what I thought it would be, a cake, which I have eaten and had too."


~ Margaret Anderson

• freshly baked goodies •

Ano’ng petsa na?

Marso 2009
L M M H B S L
« Peb   Abr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

• desserts for free •

• categories •

☛ a penny for your thoughts

✫ you got me! ✫

  • 11,961 naki-dessert mula 29/01/09

✫ welcome world! ✫

free counters

✫ cheeky chicklets ✫

no more spam Ü

in or out?