Archive for Pebrero, 2009

a sketch of true self

img_67561

I prefer drawing than talking. Drawing is faster, and leaves less room for lies.

Author – Le Corbusier

Ang plano ko sana ay lumiban muna sa pagsulat ngayong araw na ito. Mabigat pa rin kasi ang aking nararamdaman patungkol sa maraming bagay. Naglibot-libot ako sa blogosperyo sa pag-asang makakahanap ako ng pansamantalang karamay sa nararamdam ko. Umaasa rin ako na baka makatisod ako ng isang masayang blog na magbabalik ng aking saya kahit sandali lang pero nabigo ako. Hindi ko alam kung bilog ba ang buwan at damay-damay ang pagiging emosyonal ng mga blogero ngayon. Hindi ako makapag-komento dahil alam kong wala rin naman akong matinong masasabi. Mas lalong mahirap ang magpaka-ipokrita that everything is fine and I’m capable of giving good advices or sharing inspiring words. Until I stumbled upon Dylan’s.

Magaling akong magtago ng totoong nararamdaman ko na sa tingin ko ay hindi magandang gawain ng matinong tao. I can easily fake my smile, my laughter. But deep inside I’m bleeding. Kung minsan matigas pa rin talaga ang ulo ko, pero napapansin kong parang mas matigas pa ang puso ko. Kung minsan, parang feeling ko nawawala pa. – excerpt from Dylan’s blog, “Untitled”

Malakas ang tama sa akin nung sinabi niya. Kasi akung-ako ‘yun. Simula ng mag-teenager ako, natutunan ko nang itago sa tao ang tunay na nararamdaman ko. Magaling akong artisa. Kaya kong paikutin ang nasa paligid ko ayon sa gusto kong mangyari. Madalang akong maglahad ng problema at kung mangyari man ‘yun ay mabibilang ko lang sa daliri, at mabibilang ko lang rin ang mga taong sinasabihan ko. I don’t often get a pat on the back, ’cause most of the time, ako ang nagbibigay nun sa kanila. Aaminin ko na, I find it hard to heed other people’s advice pero di naman laging ganun. Opinionated kasi akong tao. May sariling paniniwala. Sabi nga nila, matigas ang ulo ko na kahit yata adobe ang ipukpok ay mauuna pang madurog ang adobe sa tigas ng bungo ko. Magaling pa rin akong artista hanggang ngayon. Yet this time, it’s more dramatic.

sa totoo lang, nakaka-overwhelm yung comments ninyong lahat. suddenly na-realise ko na naging harsh ako sa sitwasyon. bugso ng damdamin at sa paghahangad na mailabas ko ang nararamdaman ko sa paraang alam ko. sa paraang malaya at walang takot na baka matapos ang paghahayag ay kalimutan at iwanan ako ng kapwa ko blogger o kung sino man ang makakabasa nito.

Ito ang reply ko kay Mike Avenue sa kanyang naging komento. This is the only way I know to unload my burdens, through blogging. Dahil dito lang ako malayang makakapaghayag ng saloobin ko ng walang halong pagkukunwari. Sa ganitong paraan lang ako hindi artista.

Ilang ulit kong pinakinggan ang profile music ni Dylan habang malayang bumabagsak ang luha sa mga mata ko. I let myself drown in tears. I cried like I’ve never cried before.

Give me your hand to hold
‘Cause I can’t stand to love alone
And love alone is not enough to hold us up
We’ve got to touch your robe
So swing your robe down low
Swing your robe down low

Pagkalipas ng sampung taon, nagawa ko ulit gumuhit. Wala pang ilang minuto ay natapos ko agad ang isang sketch na naglalarawan ng nararamdaman ko ngayon.

chic4

19 comments Pebrero 26, 2009

Hindi Ako Astig

weak_by_vicdaen

Ang hirap talagang magpakasaya sa mga panahong dinadaluyong ng bagyo ang buhay mo. Pinipilit kong tumawa at ipagwalang-bahala ang ilang mga problema sa buhay ko ngayon pero para yatang nanadya ang tadhana at pilit sinusubukan ang tigas ng mukha ko. Minsan iniisip ko tuloy, ano bang meron ako at trip na trip akong paglaruan ng panahon? Tingin ba niya ay isa akong Super Woman na kayang pantayan maging ang lakas ni Super G? Mahina rin ako. Walang matibay na lakas. Isinusuko rin ako ng sarili kong katinuan.

Continue reading this entry…

22 comments Pebrero 24, 2009

Tuts My Barreh

Dahil wala pa rin akong maisip na i-blog matapos ang aking kalituhan kahapon, naisipan kong magpalipas na muna ng stress. Nahalungkat ko sa email ang isang lumang video na pinadala ng aking reliable friend [na siya ring nagpadala ng eskandalosang recording ng isang agent at mapanghamak na pinay] at muli kong pinanood at pinakinggan upang muli ring matawa sa kakaibang Mariah Carey-wannabe na itech. Nakakaloka lang dahil talagang feel na feel niya ang pagbirit with matching hand gestures pa ha. Kaya eto, kung gusto mo ring panandaliang mawala ang iyong stress at problema, halina’t makinood ka na rin. Pwede ka rin makisabay dahil may kasamang lyrics yan. Hehehe!

Taralets! Watch and enjoy :lol:

Touch My Body (Korean Version)

chic4

6 comments Pebrero 22, 2009

Lito…

1_sad_winter_by_roadioartsBakit kaya ganun? May mga bagay kang gustung-gusto mong gawin pero hindi mo maituloy? Palaging andaming factor na pumipigil. Kahit na sa sarili mo ang tingin mo ay iyon ang tama at nararapat gawin, pagdating sa iba, maling-mali pa rin. Sige na nga, mali na kung mali. Pero pano mo mapapatunayang ikaw ang tama kung hindi ka naman bibigyan ng pagkakataon na patunayan ito?

Ang dami nang nasasayang na oras sa pagpapaliban ng mga plano. Ang dami na ring nasasayang na oportunidad. Kelan pa ang tamang panahon? Baka sa wala na lang mapunta ang lahat…

chic4

4 comments Pebrero 21, 2009

TAG Mania

Dahil talaga namang usung-uso ngayon ang mga tag, suwerteng nakatanggap na naman ako ng tag galing kay Huntress Yanah. Nakakatuwa ang mga revelations niya ‘dun sa version niya pero shempre, stick lang ako ‘dun sa tag na para sa akin. Hee-hee!

Hindi ko na pahahabain pa ang aking intro dahil mahaba pa rin ang lalakbayin ng tag na ito. Simula na!

Continue reading this entry…

6 comments Pebrero 19, 2009

French toast for breakfast, anyone?

Ayon sa research, ang breakfast daw ang pinaka-importanteng meal sa lahat. Tumutulong daw ito upang maging masigla at alerto tayo sa buong maghapon. Iilan lang siguro ang nakakaalam sa atin ‘nun dahil kadalasa’y lumiliban pa rin tayo sa pagsu-supply ng pagkain sa ating sikmura sa umaga at enerhiya sa katawan para sa buong maghapon.

Eh pano kasi, wala ka namang daratnan na agahan paggising mo sa umaga.

Male-late na kasi ako eh. Kape lang solb na ‘ko.

Busog pa ‘ko.

Ok fine. Kung iyan ang mga palusot mo, sige lang. Concern lang naman ako sa health mo. Ganyan din kasi ako noon, pero kalauna’y napag-aralan ko na rin alalahanin ang aking sikmura. Sabi nga, kung nakasanayan mong may laman ang tiyan mo sa umaga ay hahanap-hanapin mo na rin ‘yun. At dahil breakfast ang naisip kong topic ng blog ko ngayon, gusto ko na rin i-share sa inyo ang isang simpleng recipe para sa isang simpleng agahan. Nakakasawa rin kasi kung paulit-ulit na tinapay na papalamanan mo ng itlog o peanut butter ang almusal mo. Wala ng variation. Pwede rin ang sinangag na bahaw pero ubos oras din ‘yun. Kaya ito na ang simpleng variation ng iyong agahang tinapay.

Simple French Toast Recipe

Ingredients

2 itlog

1/2 cups fresh milk

butter

4 hiwang pan amerikano (pwede na rin ang pandesal :) )

Paraan ng paggawa

*Beat the eggs in a large bowl and add milk [pwede kang maglagay ng kaunting asukal base na rin sa iyong panlasa]. Sa katamtamang apoy lang, magtunaw ng butter sa isang kawali [kung sosyal ka naman, ok din ang teflon pan].

*edited due to unavoidable circumstances

Ilubog ang mga tinapay sa mixture; siguraduhin na well-coated ang magkabilang sides. Pagkatapos ay i-drain. Ilipat sa mainit na kawali at lutuin hanggang maging slightly brown. Baligtarin at lutuin ang kabilang parte. I-serve habang mainit pa kasama ang syrup. Maaari mo ring lagyan ng powdered sugar or cinnamon.

At eto na ang finish product! Dyaraaannnn!

O di ba? Ang simpleng gawin. Hindi mo na kailangan mag-exert ng so much effort. Abot kaya pa ng bulsa. Kung may budget ka naman, pwede kang gumamit ng low-fat milk at wholemeal bread katulad ng ginamit ko sa pictures sa itaas. Busog ka na, sigurado ka pang healthy ang breakfast mo.

Tara, kain na! :)

3 comments Pebrero 18, 2009

Pikchur… pikchur IIa (Alay kay SuperG, et al.)

Dahil sa matinding pressure at pangamba na di ako patulugin ng komento ni SuperG, o sige at eto na agad ang isa pang sequel ng sequel ng photoblog sequel ko kanina [ang gulo... basta karugtong. 'yun na 'yun].

I took the first two pictures last year, noong maiisipan naming magpunta sa Bintan, Indonesia, isang island resort na halos kalapit lang ng Singapore kung saan naglipana ang mga babaeng naka-bikini [at walang bikini]. Zoom lens ang gamit ko dyan kaya hindi obvious na minamanyak binobosohan kinukunan ko ng pikchur ang dalawang caucasians na ‘to. Minabuti kong ‘wag na lang kunan ang ibang bagay na ginawa pa nila habang nagtatampisaw sa shower na yari sa palaka [kung ano ang naisip ng may-ari ng resort at ginawang palaka ang shower, 'yan ang di ko rin alam] dahil amshure, dito pa lang sa mga piktyurs na ito, eh makakasuhan na ako ng invasion of privacy. Ngayon ang dasal ko na lang ay sana di sila mahilig mag-blog at internet… hehehe!

img_3028 img_3030 img_5391 sayaw neneng, sayaw...

img_5396 F1 ladies img_5392

The rest of the pics were taken during the 3rd day of the F1 race here in Singapore. These girls were out in the street to entertain the fanatics who’ve watched the race. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nila kaya pagpasensyahan mo na superG kung medyo blurry ang ilan sa mga kuha. Medyo madilim kasi ‘yang part na ‘yan at bigla na lang silang sumulpot sa kung saan. Hehehe!

So there you go! Nailabas ko na ang mga nakatago ko sa baul. Mahirap kasi kung puro chicks ang lagi kong kukunan at baka magtuloy ang naudlot kong identity crisis. Natupad ko na rin ang promise ko s’yo superG. Wala na ‘kong utang ha. Sensya na nga lang at hindi ito tulad ng marahil ay inaasahan mong piktyur na pang-FHM. ‘Wag ka lang pahuhuli kay Grasya habang view mo ito ha at malamang ay mag-ala wonderG ‘yun. Hehehe!

Enjoy :p

10 comments Pebrero 17, 2009

Pikchur… pikchur II

Eto na ang sequel ng aking photoblog na “Pikchur…pikchur”. Nabanggit ko ba sa inyo na mahilig din ako sa nature? Kahit naman siguro sino ay maiinlab sa ganda ng ating kalikasan at para sa akin, hindi sapat na pagmasdan mo lang sila. Mas masarap kung naidokumento mo rin ang isinabog na biyaya ng nasa Itaas upang maibahagi mo naman sa iba. Kumpletong-kumpleto ang pakiramdam.

img_15481 kaibigang langgam img_1581 img_1615 img_1644 kamias

Ito ay ilan sa mga kuha ko noong dumalo ako sa isang Garden Festival na taunang ginagawa dito sa Singapore. Na-amaze ako sa mga landscapes na tunay na mga halaman ang ginamit at itinanghal sa isang air-conditioned hall para mapanatili ang freshness ng mga ito up to 3 days. I was awed by what I witnessed that day. :) Muntik na nga akong di makapag-picture.

img_3667a img_3750a img_3673 img_3815b img_3803b

Ang ganda ng kalikasan ay simbulo ng bagong pag-asa sa ating buhay. Sa bawat pagsibol ng bagong tanim na buto, ang kapalit ay isang pag-asa na mabubuhay itong malago at mayabong. Sa buhay, marami ang daraan na pagsubok na hindi mo inaaasahan. Mga pagbabago na biglaang darating na kailangan mong harapin. Hindi ka man sigurado na magiging maganda o mayabong ang resulta ng iyong pagsisikap, pero dapat huwag ka pa rin mawalan ng pag-asa na makukuha mo rin ang bagay na iyong inaasam… gaano man kahirap ang iyong pagdaraanang proseso.

Ang blog na ito ay handog ko sa mga tulad kong kasalukuyang naguguluhan at naghahanap ng katahimikan sa magulong mundo ng buhay.

3 comments Pebrero 17, 2009

I’ve Been Tagged!

Mood: Chaotic but surviving… in the midst of darkness, thanks for being around folks:)

Sa tinagal-tagal ng pag-istambay at paggagala ko dito sa blogosphere ay ngayon pa lang ako nakatanggap ng award. Sa totoo lang, muntik na akong maiyak [oha! totoots 'yun. teary-eyed pa nga ako hanggang ngayon]. At bakit naman hindi?! Ang tag kasi ay galing pa sa unang blogger na natagpuan ko dito, ang unang nagpahanga sa ‘kin, si Aling Baby. Akala ko kasi ay nananatiling tahimik ang mundo ko sa kanya but it looks like I have also caught her attention. Salamat naman kung gayon :)

Eto ang rule ng tag na ito:

Continue reading this entry

11 comments Pebrero 16, 2009

B.r.o.k.e.n

Broken by Lindsay Haun

broken_by_vainprincessriot

Hindi ko sana feel na magpaka-emo ngayon dahil ipinangako ko sa sarili ko na iiwasan kong maging malungkot sa site na ito hanggat maaari. Iiwasan pero sadyang hindi maiwasan. And a promise is made to be broken…

Ang dami kasing tanong na “bakit” sa buhay ko ngayon. Minsan kahit alam ko na ang sagot, ang hirap pa rin ibulalas ng bibig. Alam ko kasing mas lalong masasaktan ang mga taong nasasaktan ko na ngayon. Melancholic ang mood ko ngayon… meaning, even if I watch a good or a funny movie, I might not laugh about how the story goes but on how stupid my life is. Before, when something like this occurs to me, tsokolate lang ang katapat because it’s a good antidepressant. Pero sandamukal na tsokolate na nakain ko, I still feel that my life sucks (for now), broken and chained in an undying heartache.

I wish someday, somehow, I’ll find the strength to set my self free.

6 comments Pebrero 15, 2009

Previous Posts


I Heart KaBlogs!






Please read "BAYANI? O BAYANI?", my official entry to PEBA 2009 Pinoy Expats/OFW Bloggers Award. If you feel that this entry deserves to win, please click here and vote for me. Otherwise, please find time reading the entries of the other nominees and vote for your choice.
Thank you in advance!

• the metaphor of life •

"Life for me has been exactly what I thought it would be, a cake, which I have eaten and had too."


~ Margaret Anderson

• freshly baked goodies •

Ano’ng petsa na?

Pebrero 2009
L M M H B S L
« Ene   Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

• desserts for free •

• categories •

☛ a penny for your thoughts

✫ you got me! ✫

  • 11,944 naki-dessert mula 29/01/09

✫ welcome world! ✫

free counters

✫ cheeky chicklets ✫

no more spam Ü

in or out?