Archive for Enero, 2009
Mabuhay!
I would like to welcome you all to my new house/blog site here at WordPress…
(Drum rolls…) LIFE IS A PIECE OF KEYK!
Oh di ba? Über sa pagka-positive
Ito ay ang aking paunang pagbati lang. Sa totoo lang, wala pa ko sa wastong wisyo hanggang sa ngayon mula ng dumating ako galing sa isang adventurous at unforgettable trip sa Malaysia. Kung ano ang mga nangyari sa amin ng mga kasama ko eh saka ko na ikukuwento sa susunod na blog ko. He-he-he!
Sadyang walang malaking pagbabago sa appearance ng bago kong site (maliban sa header na inayos ko pa sa Photoshop) dahil bukod sa maraming restrictions ang WordPress sa pag-embed ng mga codes, hindi ko rin naman gustong maging cluttered ang site na ‘to. Utak ko lang siguro ang mananatiling cluttered dahil sa sangkaterbang mga kuwento na naipon mula sa matagal ko ring pananahimik.
Mas pinili ko ring iwan na lang sa dating site ang mga blogs ko kahit na may option naman akong i-import na lang sila dito. Gusto ko kasing maging fresh ulit ang lahat kahit na siempre, di maiiwasan na magsama ka ng mga konting alaala galing sa iyong mga nakalipas. Tulad ng kape na madalas nating pagsaluhan noon.
So mga friends, kita-kits tayo sa mga susunod kong blogs ha. Maaari niyo pa ring dalawin ang dati kong blog site na Kape muna, Bro… ganun din sa mga bago kong bisita kung gusto niyo pa akong makilala ng husto. But for now, I’ll just say “good day/good night” and “’til next time!”
Ta-ta!
10 comments Enero 29, 2009







